Kahalagahan ng Pag-Unawa sa Sakit ng Baboy

Kahalagahan ng Pag-Unawa sa Sakit ng Baboy

Ang kaalaman sa mga karaniwang sakit ng baboy ay napakahalaga para sa mga magsasakang nag-aalaga nito upang mapanatili nila ang tuloy-tuloy na kita sa pagbababuyan.

Sa pag-unawa ng katangian ng mga sakit na ito, makakagawa agad ng hakbang upang maiwasan ang mga komplikasyon na dulot ng mga sakit at makakaiwas sa lubhang pagkalat ng sakit sa loob ng babuyan.

Kahalagahan ng Pag-Unawa sa Sakit ng Baboy

Mga Pangunahing Sakit na Maaaring Maranasan ng mga Baboy

Tulad ng iba pang mga hayop, ang mga baboy ay maaaring magkaroon ng iba’t-ibang uri ng sakit. Mahalagang malaman ang mga ito upang makaiwas sa mga sakit o kamatayan ng mga hayop. Sa ganitong paraan, hindi maaapektuhan ang iyong negosyo sa pagbababoy.

African Swine Fever

African Swine Fever

African Swine Fever

Ang African Swine Fever (ASF) ay isa sa mga karaniwang sakit ng baboy. Madalas na tinatamaan ng sakit na ito ang mga inahin at mga pambentang baboy. Kung ang isang baboy ay na-diagnose na may ASF, ito’y maaring magdulot ng mabilis na pagkamatay ng inahing baboy sa loob ng 3-5 araw.

Mga sintomas: mataas na lagnat, pamumula ng mga mata, pagkawala ng gana sa pagkain, hirap makatayo at palagiang paghiga, pagdurugo lalu na sa balat at pagkamatay.

Hog Cholera

Hog Cholera

Ang Hog Cholera, na kilala rin bilang Classical Swine Fever, ay isa sa mga karaniwang sakit ng baboy na epekto ng virus na kabilang sa genus Pestivirus at nakukuha sa pakikihalubilo ng baboy sa mga may-sakit na baboy. Ang virus ay maaaring maikalat sa pamamagitan ng mga bodily fluids galing sa may-sakit na baboy tulad ng laway, dugo, sipon, ihi at dumi ng hayop.

Mga sintomas: lagnat, pagdurugo, kawalang-sigla, pagtatae na may kulay dilaw, pagsusuka, kulay violet na paso sa mga tainga, tiyan, at binti, pagkalaglag ng kanilang mga biik, panghihina, at pagkamatay.

Hog Cholera
Foot and Mouth Disease

Foot and Mouth Disease

Foot and Mouth Disease

Ang Foot and Mouth Disease (FMD) ay nakakaapekto sa mga hayop na may kuko tulad ng mga baboy. Ito’y kumakalat sa pamamagitan ng diretsong contact sa may sakit na hayop o sa mga kontaminadong pagkain, inumin, o kagamitan. Maaari itong magdulot ng pagkamatay sa mga baboy kapag hindi nagamot ang mga sugat sa katawan at magkaroon ang mga ito ng impeksyon. Ito ay nakakahawang sakit at maaaring kumalat din sa ibang hayop tulad ng kambing, baka, kalabaw at tupa.

Mga sintomas: mga tigyawat o butlig sa bibig at mga paa, mga ulcers o sugat sa mukha, dila, mga suso at mga paa, mga pasa sa dila, pagkatuklap ng balat sa mga paa, pagka-irita at panghihina.

Swine Respiratory Diseases

Swine Respiratory Diseases

Ang Swine Respiratory Diseases ay koleksyon ng mga sakit ng baboy na nakakaapekto naman sa kanilang baga at iba pang parte ng respiratory system.

Ito’y maaring dulot ng mga virus, bacteria, at iba pang mga mikrobyo na nakakaapekto sa mga baboy.

Ilan sa mga pangunahing Swine Respiratory Diseases ay ang mga sumusunod:

Actinobacillus pleuropneumoniae (APP)

Actinobacillus pleuropneumoniae (APP)

Ang APP ay isang bacteria na karaniwang tumatama sa baga lalo na sa mga talubata at matatandang baboy. Ito ay naipapasa sa pamamagitan ng respiratory droplets mula sa pag-ubu-ubo.

Mga sintomas: paghinga na naka “dog-sitting position”, tuyot at malalim na pag-ubo, pagdurugo ng ilong at biglaang pagkamatay ng mga baboy.

Pasteurella multocida and Bordetella bronchiseptica (Atrophic Rhinitis)

Pasteurella multocida at Bordetella bronchiseptica (Atrophic Rhinitis)

Ang Pasteurella multocida at Bordetella bronchiseptica ay kadalasang nauugnay sa mga sakit sa respiratory system ng mga hayop, kabilang na ang mga baboy. Ito ay naipapasa sa pamamagitan ng pakikihalubilo ng baboy sa may-sakit na baboy.

Mga sintomas: respiratory infection, pagtabinge ng nguso ng baboy, pag-ubo at malalang sipon, pagluluha at pamumula ng mata, pagkabalisa at pagbaba ng produksyon.

Haemophilus parasuis (Glasser’s Disease)

Haemophilus parasuis (Glasser’s Disease)

Ang Haemophilus parasuis ay isang bacteria na nagdudulot ng Glasser’s Disease. Ang bacteria na ito ay normal na nakikita sa mga organ na daanan ng hangin lalo na sa cavity ng ilong. Ito’y dumadami sa panahon ng stress at mababang immune system ng baboy. Ang pagkasakit ng baboy ay dahil sa pagdami ng bacteriang ito sa baga, sa mga kasu-kasuan o joints at sa utak ng hayop.

Mga sintomas: malubhang paghihina, lagnat, pagkahapo at pag-ubo, pagkawala ng gana sa pagkain, joint ill/arthritis at pagkapilay, imboluntaryong paggalaw ng mga paa at ulo, pamamayat, at biglaang pagkamatay.

Mycoplasma hyopneumoniae (Swine Enzootic Pneumonia)

Streptococcus suis (Streptococcosis)

Ang Streptococcus suis ay maaaring magdulot ng iba’t-ibang sakit sa mga baboy, kabilang ang respiratory, neurological, at reproductive diseases.

Mga sintomas: lagnat, pagkahina, pagkahapo, pamamaga ng mga joints, pamamaga ng mga mata, pamamaga ng utak at abnormal na koordinasyon sa paglakad at paggalaw.

Swine Dysentery

Mycoplasma hyopneumoniae (Swine Enzootic Pneumonia)

Ang Mycoplasma hyopneumoniae ay isang bacteria na sanhi ng sakit na kilala bilang swine enzootic pneumonia o porcine enzootic pneumonia (EP).

Mga sintomas: malalim at madalas na pag-ubo at pneumonia, pagkahina, pagkahapo, pagbaba ng timbang, pagtaas ng temperatura, at paninikip ng dibdib.

Swine Dysentery

Swine Dysentery

Ang Swine Dysentery ay isang nakakahawang sakit na kadalasang nakakaapekto sa digestive system ng mga baboy. Ito’y dulot ng bacteria na tinatawag na Brachyspira hyodysenteriae.

Ang bacteria na ito’y kadalasang matatagpuan sa mga maduduming pasilidad ng baboy at kadalasang naipapasa mula sa isang baboy papunta sa iba sa pamamagitan ng kontaminadong dumi nito. Importanteng malinis palagi ang pasilidad ng mga baboy upang maiwasan ito.

Mga sintomas: pagdudumi na may dugo at diarrhea, pangangayayat at biglaang pagkamatay, lalo na sa mga malalaking baboy tulad ng inahin at mga pangbentang edad na baboy.

Swine Dysentery
Porcine Reproductive and Respiratory Syndrome

Porcine Reproductive and Respiratory Syndrome

Porcine Reproductive and Respiratory Syndrome

Ang Porcine Reproductive and Respiratory Syndrome ay isa sa pinaka karaniwang sakit ng baboy at dulot ng isang virus na sumisira sa kanilang reproductive at respiratory system. Ito’y kumakalat sa pamamagitan ng respiratory droplets, dugo, at iba pang likido o discharges sa mga may-sakit na baboy.

Mga sintomas: paghihina, pag-uubo at pagsisipon, pamumula o pagkulay ube sa balat lalo na sa mga duluhan ng tenga, paa, nguso at likurang bahagi ng pige, aborsiyon at pagkamatay.

Porcine Circovirus Type 2

Porcine Circovirus Type 2

Ang Porcine Circovirus Type 2 ay pangalawa sa karaniwang uri ng virus na nakakaapekto sa mga baboy. Ito ay nakaka epekto rin tulad ng PRRS sa kanilang respiratory at reproductive systems.

Mga sintomas: mababang timbang at pangangayayat, kawalan ng ganang kumain, pag-ubo at pagkahingal, pamumula o pagkulay ube ng balat, aborsyon at pagkamatay.

Porcine Circovirus Type 2

Pseudorabies (PRV o Aujeszky’s disease)

Pseudorabies (PRV o Aujeszky’s disease)

Ang Pseudorabies ay isang nakakahawang sakit na dulot ng isang herpesvirus na kadalasang nakukuha ng mga baboy sa pakikisalamuha sa mga inahing baboy na may sakit. Ito ay nakakaapekto sa nervous, respiratory at reproductive system ng hayop.

Mga sintomas: pagbabahin, pag-ubo at pagbubula ng bibig, lagnat, panginginig at imboluntaryong paggalaw ng ulo at mga paa (paddling), kawalan ng katinuan, pagkahilo, pamamaga ng mga labi at mukha, mahabang paglalandi o hindi pagbubuntis, aborsyon, mummifications, mahinang mga biik at maliit na bilang ng mga iniaanak na biik.

Porcine Parvovirus (PPV)

Porcine Parvovirus (PPV)

Ang virus na ito ay normal na matatagpuan sa maliit na bituka ng baboy at maaaring hindi maging sanhi ng pagkakasakit ng hayop. Subalit ito ay kadalasang sangkot sa mga sakit sa reproduksyon ng mga inahing baboy na tinatawag na Stillbirths Mummifications Embryonic death and Infertility (SMEDI).

Mga sintomas: mga stillbirths, mummifications, embryonic death, maliliit at mahihina na biik, at maliit na bilang ng mga biik.

Porcine Epidemic Diarrhea (PED)

Porcine Epidemic Diarrhea (PED)

Ang Porcine Epidemic Diarrhea ay sakit sa digestive system ng mga baboy. Dahil dito, sila’y maaaring makaranas ng malubhang pagtatae na maaaring humantong sa dehydration at pagkamatay.

Mga sintomas: malubhang pagtatae at pagsusuka, panlalamig ng katawan, pagsasama-sama ng mga biik, palagiang pagsampa ng biik sa tyan ng inahin, kawalang ganang kumain, pangangayayat, pagkahina at pagkamatay.

Collibacilosis (Escherichia Coli)

Collibacilosis (Escherichia Coli)

Ang Collibacilosis ay isang uri ng bakterya na karaniwang matatagpuan sa bituka na maaring magparami at sumira sa lining ng bituka, dahilan ng pagtatae ng mga batang baboy edad 45 days pababa. Isang klase ng sakit na ito ay tinatawag na edema disease, kung saan kumakalat naman ang bacteria sa dugo at nagiging dahilan ng enterotoxemia, imboluntaryong paggalaw ng paa,at biglaang pagkamatay.

Mga sintomas: pagtatae at pagsusuka, pagkahina at dehydration, pagkawala ng kalamnan, pananakit ng tiyan, lagnat, imboluntaryong paggalaw ng paa (paddling), at pagkamatay.

Staphylococcus Hyicus (Greasy Pig Disease o exudative epidermitis)

Staphylococcus Hyicus (Greasy Pig Disease o exudative epidermitis)

Ang mga batang baboy na may edad na walong linggo pababa ang kalimitang inaatake ng Staphylococcus hyicus. Ito ay isa ring uri ng bacteria na labis na nakakaapekto sa mga sa mga batang baboy at makikita sa balat nito.

Mga sintomas: panghihina, madumi at namumulang balat sa bahagi ng ulo at mukha at maaring kumalat pa sa ibang bahagi ng balat.

Swine Dysentery

Coccidiosis

Ang Coccidiosis ay sanhi ng mga coccidia, mga parasite organisms, na maaaring mabuhay at magparami sa loob ng mga bituka ng baboy, na nagiging sanhi ng pagtatae.

Mga sintomas: pagtatae na may dugo o namumula na dumi, pagkawala ng gana sa pagkain, pangangayayat, paghihina o pagkapagod, at pamamaga ng tiyan.

Epekto ng Karaniwang Sakit ng Baboy sa Pangkabuhayan

Ang mga karaniwang sakit ng baboy ay nagdudulot ng malaking epekto sa mga magsasakang naghahanap-buhay sa pag-aalaga at pagbebenta ng mga ito. Ang pagkakaroon ng mga sakit ng baboy ay maaaring maging dahilan upang mawalan ng kita ang mga nag-aalaga sa kanila. Kapag ito ay nangyari, maapektuhan ang kanilang pamumuhay.

Maliban pa rito, maaari ring bumaba ang supply ng karne na magiging dahilan upang tumaas ang presyo nito sa merkado. Noong 2019, naitala ang unang baboy na mayroong ASF sa Pilipinas, kung saan nahawaan ang libu-libong mga baboy at nagpabagsak sa produksiyon ng pagbababoy sa bansa. Kaya naman napilitan ang bansang bumili ng mga imported na karne ng baboy na naging dahilan ng pagtaas ng presyo nito.

Mahalagang bigyan ng sapat na pansin ang mga karaniwang sakit ng baboy upang kaagad na maagapan ang pagkalat nito.

Mga Paraan ng Pag-Iwas at Pagpapagaling sa Sakit ng Baboy

Mga Paraan nang Pag-Iwas at Pagpapagaling sa Sakit ng Baboy

Sa Pilipinas, mayroon tayong tinatawag na Good Animal Husbandry Practices (GAHP). Ito ay mga prinsipyo ng mga magagandang kasanayan upang gabayan ang mga magsasaka kung paano alagaan ang mga hayop upang makaiwas ang mga ito sa sakit.

Sa ganitong paraan, magkakaroon ng kasiguraduhan ang mga consumers na ang mga binibili nilang baboy sa merkado ay ligtas at angkop kainin ng mga tao.

Ang GAHP ay naglalayon ding masiguro na parehong ligtas ang mga magsasakang nag-aalaga ng mga baboy at ibang mga hayop, nang hindi naapektuhan o nasisira ang kapaligiran.

Narito ang iba pang paraan upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga baboy.

Panatilihing Malinis ng Kanilang Pasilidad

Panatilihing Malinis ng Kanilang Pasilidad

Importanteng malinis, na-disinfect, at patuloy ang pagme-maintenance sa mga pasilidad ng baboy kung saan sila tumitira. Makakatulong ito upang makaiwas sa anumang sakit at mapanatili ang malinis na paligid.

Linisin ang Kanilang mga Dumi at Ihi, at Punasan ang Kanilang Sipon

Linisin ang Kanilang mga Dumi at Ihi, at Punasan ang Kanilang Sipon

Upang hindi kumalat ang anumang virus sa pasilidad ng iyong mga baboy, ugaliing linisin ang kanilang ihi at dumi, at punasan din ang kani-kanilang mga ilong at bibig. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang bacteria na maaring magdulot ng sakit sa kanila.

Tiyakin na Kumakain Sila nang Sapat at May Malinis na Inumin

Tiyakin na Kumakain Sila ng Sapat at May Malinis na Inumin

Ang mga baboy ay dapat kumain ng 2 hanggang 3 beses sa isang araw, depende sa kanilang timbang at pangangailangan sa nutrisyon. Siguraduhin din na ang mga kinakain nila ay may sapat na protina, carbohydrates, bitamina, at mineral upang sila ay maging malusog.

Isa pa, painumin sila ng malinis na tubig upang makasigurong malinis ang kanilang katawan.

Siguruhing Sila ay Nabakunahan Upang Makaiwas sa mga Sakit

Siguruhing Sila ay Nabakunahan Upang Makaiwas sa mga Sakit

Ang pagbabakuna sa mga baboy ay mahalaga upang protektahan ang kanilang kalusugan mula sa mga karaniwang sakit ng baboy. Kaya't mahalagang magkaroon ng regular na schedule ng pagbabakuna upang mapanatili ang kanilang kalusugan.

Mga Serbisyo at Produkto ng First Fil-Bio na Makakatulong sa Paggamot ng mga Baboy Na May Sakit

Sa industriya ng agrikultura, mahalagang maiwasan ang mga karaniwang sakit ng baboy upang masigurong maganda ang kanilang produksyon. Sa First Fil-Bio, mayroon kaming mga diagnostic services at mga produktong ibinibigay sa aming mga kliyenteng magsasaka para sa kanilang mga baboy.

Serology

Serology

Serology

Ang serology sa baboy ay isang uri ng pagsusuri o test na ginagamit upang malaman kung mayroong antibodies, o mga protina na panlaban ng katawan sa iba’t-ibang sakit, at makita ang epekto ng pagbabakuna sa mga baboy.

Molecular

Molecular

Ito ay tumutukoy sa paggamit ng molekular na pagsusuri para sa pagtukoy ng sakit sa isang baboy gamit ang makina ng Polymerase Chain Reaction (PCR). Ang teknolohiyang ito ay gumagamit ng mga primers at mga kemikal upang maparami ang DNA o RNA ng isang virus or bacteria. Sa pagtukoy ng DNA o RNA, malalaman kung anong klaseng mikrobyo ang tumatama sa mga may sakit na baboy.

Molecular
Microbiology/Necropsy

Microbiology/Necropsy

Microbiology/Necropsy

Ang Microbiology at Necropsy ay mga pangunahing paraan ng pagtukoy sa mga karaniwang sakit ng baboy.

Sa Microbiology, isinasagawa ang mga laboratory tests sa mga sample ng dugo, feces, o kaya naman sa iba pang mga organ ng baboy upang malaman kung mayroong mga bacteria na sanhi ng sakit sa baboy dito. Sa paraang ito, pinaparami sa pamamagitan ng media ang bacteria at ito’y isasalang sa sensitivity tests upang matukoy ang mga epektibong antibiotiko laban sa bacteria.

Sa Necropsy naman, isinasagawa ang autopsy sa mga namatay na baboy upang malaman ang dahilan ng kanilang pagkamatay at kung mayroong sakit na dapat iwasan o lunasan sa iba pang mga baboy sa babuyan.

Mga Programa Tungkol sa Pagpapabakuna

Mga Programa Tungkol sa Pagpapabakuna

Ang First Fil-Bio ay may mga programa tungkol sa pagpapabakuna ng baboy upang maprotektahan ang kalusugan ng iyong mga alagang baboy at maiwasan ang pagkalat ng mga karaniwang sakit ng baboy sa ibang lugar.

Sa pamamagitan nito, ang mga baboy ay magkakaroon ng resistensya laban sa mga sakit at magiging mas malusog.

Mga Programa Tungkol sa Pagpapabakuna
Mga Produkto

Mga Produkto

Mga Produkto

Kasama sa mga produkto ng First Fil-Bio ay ang Feed Premix Powder na nakakatulong sa pag-iwas ng sakit at paglunas ng mga karaniwang sakit ng baboy, at ang Water Soluble Powder na tumutulong sa resistensya laban sa sakit.

Suriin ang Maaaring Sakit ng Baboy Upang Maagapan at Panatilihing Malusog ito sa Tulong ng First Fil-Bio!

Kung ikaw ay may mga baboy sa iyong negosyo, mahalagang alamin ang mga karaniwang sakit ng baboy na maaaring makaapekto sa kanila. Hindi lamang ito makakatulong sa pag-iwas, kundi magbibigay din ng agarang pagpapagamot upang mapanatili silang malusog at produktibo.

Sa tulong ng First Fil-Bio, maaari kang magkaroon ng access sa mga sari-saring produkto at serbisyo na makakatulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng iyong mga baboy.

Huwag mag-atubiling mag-iwan ng mensahe sa amin para sa iba pang mga katanungan.