Mga Karaniwang Swine Diseases sa Pilipinas

06/26/2023

Mga Karaniwang Swine Diseases sa Pilipinas

Ano-ano ang mga karaniwang swine diseases sa Pilipinas?

  1. African Swine Fever
  2. Classical Swine Fever
  3. Porcine Reproductive and Respiratory Syndrome
  4. Swine Dysentery
  5. Roundworm Infection

Labis na ikinakabahala ng mga nag-aalaga ng baboy ang mga karaniwang swine diseases sa Pilipinas na maaaring makaapekto sa kanilang mga hayop. Ang mga diseases na ito’y nagbibigay-problema sa kalusugan ng mga baboy at maaaring makapinsala sa industriya.

Sa blog na ito, ating pag-uusapan ang mga swine diseases upang mabigyan ka ng impormasyon patungkol rito at makaiwas ang iyong alagang baboy sa mga sakit na ito.

African Swine Fever

Ang African swine fever (ASF) ay isang nakakahawang sakit na dumadapo sa mga baboy, na maaaring humantong sa pagkamatay kung hindi maaagapan. Ang virus na ito’y kayang magtagal o mabuhay sa mga damit, bota, gulong, at iba pang mga kagamitan. Kaya rin nitong mabuhay sa iba’t-ibang produkto ng karneng baboy, tulad ng sausage, bacon, o ham.

Ang mga baboy na may ASF ay magdudulot ng pinsala sa mga negosyanteng nag-aalaga ng baboy bilang kanilang hanap-buhay. Kapag ito’y nangyari, apektado rin ang produksiyon ng baboy hanggang sa tumaas ang presyo nito sa merkado.

Ngunit, inaasahan ang pagdating ng bakuna para sa ASF sa oras na maging matagumpay ang clinical trials nito. Ito’y tinatawag na AVAC ASF Live vaccine na ginawa sa Vietnam na mino-monitor ng Bureau of Animal Industry. Ang trial ay inaaasahang matatapos ngayong taon.

Classical Swine Fever

Classical Swine Fever

Ang Classical swine fever (CSF), na kilala rin bilang hog cholera, ay isa rin sa mga karaniwang sakit ng baboy. Madalas itong kumakalat sa pamamagitan ng direct contract ng mga malulusog na baboy sa mga baboy na naimpeksiyon na ng virus.

Tulad ng ASF, ang CSF ay maari ring mapunta sa mga karne ng baboy lalo na kung nasa loob ng refrigerator o kung nasa ibabaw ng yelo. Kaya naman importante ang mahigpit na paglilinis sa kulungan ng iyong mga baboy upang hindi sila mahawa sa virus na ito. Dahil kapag ito’y nangyari, madadamay ang ibang mga baboy na iyong inaalagaan.

Mainam na linisin ang pwesto kung saan sila natutulog, kumakain, dumudumi, at nagpapahinga upang hindi ito puntahan ng virus. Higit pa rito, pabakunahan mo ang iyong mga baboy upang mayroon silang panlaban sa virus na ito at mapigil ang pagkalat ng sakit.

Porcine Reproductive and Respiratory Syndrome

Ang Porcine reproductive and respiratory syndrome (PRRS), na tinatawag ding blue ear disease, ay sanhi ng isang virus mula sa genus Arterivirus. Ang mga baboy na apektado nito’y makakaranas nang reproduction failure at pulmonya.

Ang mga baboy na ipinanganak mula sa mga inahing nahawaan ng sakit ay maaaring hindi magpakita ng mga sintomas ng sakit, ngunit maaari pa rin silang magkalat ng virus. Higit pa rito, ang virus ay maaaring manatili sa tae, ihi, at semen ng baboy na p’wedeng kumalat sa pamamagitan ng hangin at makuha ng iba pang mga baboy.

Swine Dysentery

Swine Dysentery

Ang Swine Dysentery ay isang bacterial infection sa large intestine ng mga baboy. Ito’y sanhi ng Brachyspira hyodysenteriae. Ito’y maaring kumalat sa pamamagitan ng direct contact o kanilang dumi. Idagdag pa rito na maaring mabuhay ang virus sa maduming paligid sa mahabang panahon, lalo na kung hindi ito lilinisin.

Ang isang baboy ay may ganitong sakit kung ito’y may dugo sa kaniyang dumi, biglaang pagbaba ng timbang, at dehydration. Kaya naman ang sakit na ito’y maaari ring magdulot nang malaking epekto sa industriya ng mga baboy sa bansa.

Upang makaiwas ang iyong mga alaga sa sakit na ito, siguruhing pinapainom mo sila ng mga antibiotics at inaalagaan sila nang tama.

Roundworm Infection

Panghuli ay ang Roundworm Infection o ascariasis. Ito’y maaaring magdulot ng iba’t ibang problema sa kalusugan ng mga baboy, kabilang na ang pagbaba ng kanilang timbang, mabagal na paglaki, pneumonia, at pagkamatay.

Ang mga baboy ay maaaring mahawa nito sa pamamagitan nang pagkain ng contaminated food o inumin. Madalas na nahahawa ang mga batang baboy. Nakakahawa rin ito sa mga matatandang baboy ngunit sila’y may matibay na resistensiya laban dito.

Kaya naman kung infected ang iyong alagang baboy ng sakit na ito, mainam na lumapit ka sa beterinaryo o expert upang masuri ang iyong alaga at mabigyan siya ng nararapat na gamot at bakuna upang siya’y gumaling, nang hindi pa lumala ang kaniyang nararamdaman.

Key Takeaway

Mahalagang tandaan na ang mga karaniwang swine diseases sa Pilipinas ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa industriya ng baboy pati na rin sa ating ecosystem.

Ang mga sakit tulad ng African swine fever (ASF), classical swine fever (CSF), porcine reproductive and respiratory syndrome (PRRS), swine dysentery, at roundworm infection ay mapanganiba at nakakamatay sa mga baboy kung hindi ito agad aagapan. Kaya naman upang makaiwas, importanteng panatilihin na malinis ang kanilang kulungan at sila’y may bakuna laban sa mga ito.

Kung nais mong mabigyan ng mga epektibong gamot o bakuna ang iyong mga baboy laban sa sakit, nandito kami sa First Fil-Bio upang magbigay serbisyo at panatilihin ang magandang resistensiya ng iyong mga baboy.

Para sa mga katanungan, mag-iwan lamang ng mensahe sa amin dito.

Share on

MORE BLOGS

Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease

02/22/2024

Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…

Read More

Paraan nang Paglilinis para sa Pag-iwas sa Marek’s Disease

02/20/2024

Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…

Read More

Paano Pangasiwaan ang Egg Drop Syndrome sa mga Manok

02/16/2024

Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…

Read More