Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More07/13/2023
Ayon sa datos noong Marso ngayong taon, mayroong 10.18 milyong populasyon ng mga baboy sa Pilipinas. Ito’y 4.2% na mataas kumpara noong nakaraang taon na umabot sa 9.77 milyong baboy. Ang CALABARZON ang may pinakamataas na bilang na umabot sa 1.31 milyong baboy nitong Marso.
Kaya naman importanteng malaman ng mga nag-aalaga ng baboy kung paano makakaiwas ang kanilang mga baboy sa sakit. Sa pamamagitan nito, mapapanatili nila ang magandang kalusugan ng mga baboy at makakatulong ito upang mas maging maayos ang industriya ng baboy sa bansa.
Sa blog post na ito, ating pag-uusapan ang iba’t-ibang paraan upang makaiwas ang mga baboy sa sakit. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.
Ang unang dapat mong gawin ay ang gumawa ng record tungkol sa kalusugan, treatment, at bakuna ng iyong mga baboy. Ito ang magsisilbing guide mo tungkol sa kondisyon nila. Sa ganitong paraan, masusubaybayan mo ang kanilang kalusugan.
Halimbawa, ang pagre-record tungkol sa kanilang timbang, kondisyon, treatment na ginawa sa kanila, at kanilang body temperature ay makakatulong upang malaman mo kung sila’y malusog o may sakit. Magiging madali para sa ‘yo ang pagtukoy sa anumang mga pagbabago sa kanilang kalusugan.
Isa pa, kailangan mo ring ilista ang mga bakunang itinurok sa iyong mga baboy. Mas mainam kung ilalagay mo rin ang petsa kung kailan sila tinurukan at ang expiration date nito upang makagawa ka ng schedule kung kailan mo ulit sila babakunahan.
Ang pagre-record ng mga ito ay magiging madali para sa beterinaryo upang ma-track ang mga dapat nilang gawin sa iyong mga baboy. Makakatulong din ito para sa ‘yo upang maging isang responsableng taga-alaga ng mga baboy.
Kung ikaw ay naghahanap ng mga eksperto na magbabakuna sa iyong mga baboy, ang aming team sa First Fil-Bio ay nag-aalok ng serbisyong bakuna para sa mga baboy upang mapanatili ang kanilang kalusugan at makaiwas sila sa anumang sakit.
Ang biosecurity measures ay mga hakbang na ginagawa upang manatiling malusog ang mga baboy at makaiwas ang mga ito sa sakit. Halimbawa na rito ay ang pagkontrol ng mga taong pumapasok at lumalabas sa lugar o kulungan ng mga baboy.
Upang maisagawa ito, kailangan mong maglagay ng mga kontroladong gate o checkpoint sa entrance ng lugar o kulungan kung saan nakatira ang iyong mga baboy. Dito mo rin ipapatupad ang disinfection procedures, tulad ng paglalagay ng footbaths na may disinfectant solution, paghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, at iba pang sanitation protocols. Ang mga ito’y tinatanggal ang mga mikrobyong dala ng mga taong pumapasok sa loob ng tirahan ng mga baboy. Ito’y nakakatulong upang maproteksyunan ang mga baboy laban sa anumang bacteria o sakit.
Ang pag-aalaga ng mga baboy ay hindi madali lalo na kung kinakailangang i-isolate o ihiwalay ang mga ito kung sila’y bago pa lamang. Ito’y upang siguraduhin na ang mga bagong baboy na ito’y walang sakit. Sila’y kinakailangang dumaan sa testing at observation hanggang sa makita ang resulta kung sila’y malusog at walang sakit.
Bukod pa rito, makakatulong din ito upang maiwasan ang hawaan ng sakit. Kaya naman kinakailangang umabot ang isolation ng 30-60 araw. Ang isolation period ay nakadepende sa payo ng beterinaryo.
Sa makatuwid, ang pag-a-isolate ay makakatulong upang masuri nang mabuti ang mga hayop, tulad ng pagche-check ng kanilang dugo sa laboratory upang makita kung sila’y may sakit at mabakunahan bago sila pumasok sa kani-kanilang kulungan kasama ang ibang mga baboy
Importanteng linisin ang kulungan, feeders o pakainan, at inumin ng mga baboy upang maiwasan ang pamumuo ng mikrobyo na maaaring maging sanhi upang sila’y magkasakit at makahawa ng iba.
Tandaan na ang kalinisan ng paligid ay mahalaga para sa mga hayop na ito upang makaiwas sa African Swine Fever at Foot and Mouth Disease. Ang mga sakit na ito’y nagbibigay nang masamang epekto sa industriya ng baboy kung kaya’t dapat lamang na malinis ang kanilang tirahan pati ang kanilang kainan at inumin, maliban pa sa pagpapabakuna sa kanila.
Alam mo bang mayroong 20,000 taste buds ang mga baboy? Kung kaya’t mahalaga ang lasa at amoy ng mga kinakain nila. Idagdag pa rito na 70% ng kanilang immune system ay nasa kanilang bituka, kaya dapat mong siguraduhing matutunaw ang kanilang kinakain sa loob ng kanilang tiyan at sila’y mabubusog.
Kung pinaplano mong magpalit ng brand o formula sa pagkain ng baboy, huwag mo itong bibiglain. Ito’y dahil maaring tumigil sila sa pagkain. Ang dapat mong gawin ay ihalo ang isa o dalawang pound ng bagong feed sa kasalukuyang brand na kanilang kinakain. Pagkatapos, suriin mo kung gaano karami ang kinakain nila tuwing 3-4 na araw.
Kung nakikita mong maayos ang kanilang pagkain, maaari mong dagdagan ang kanilang kinakain. Kung hindi, panatilihing pareho ang halaga ng kanilang kinakain hanggang sa magkaroon na sila nang ganang kainin ang bagong brand.
Katulad ng iba pang mga hayop, ang mga baboy ay dapat magkaroon ng kumpletong checkup sa beterinaryo. Wala namang pamantayan ang pagpapabakuna sa mga baboy dahil ito’y nakabase sa kanilang lokasyon, edad, at potensiyal na magkaroon ng sakit.
Ngunit, karamihan sa mga beterinaryo ay sumasang-ayon na dapat bakunahan ang mga baboy, lalo na ang mga biik, laban sa mga bacteria na sanhi ng erysipelas, leptospirosis, at tetanus. Ang iba pang mga bakuna na available para sa mga biik ay ang:
Ang pagsisimula ng mga bakuna sa mga baboy ay kapag sila’y nasa edad na 8-12 na linggo. Binibigyan sila ng mga booster pagkalipas ng isang buwan at gagawin na ito kada taon.
Ating inalam kung paano nga ba makakaiwas ang mga baboy sa sakit. Sa tulong ng mga hakbang na ito, maaaring maiwasan ang mga sakit at manatili silang malusog. Bilang resulta, magiging maayos ang kanilang produksiyon pati na rin ang industriya ng baboy.
Ang First Fil-Bio ay handang tumulong upang mapanatili ang kalusugan ng iyong mga alagang baboy. Mula sa mga gamot, treatment, at bakuna, ang aming mga beterinaryo ay ekspert at maaasahan. Para sa iba pang katanungan, mag-iwan ng mensahe rito.
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More02/20/2024
Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…
Read More02/16/2024
Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…
Read More