Paano Malalaman Na May Sakit ang Manok

07/19/2023

Paano Malalaman Na May Sakit ang Manok

Paano malalaman na may sakit ang manok?

  1. Pagbabago sa pakiramdam at kilos
  2. Pagbabago sa hitsura ng balahibo
  3. Labis na pagtatae at pagbabago sa konsistensiya ng dumi
  4. Pagkawala nang gana sa pagkain
  5. Pamamaga o paninikip ng mata, ilong, o iba pang bahagi ng katawan
  6. Pagpapakita nang pagbabago sa paghinga o paglikha ng kakaibang mga tunog

Ang mga manok ay hindi lang kasangkapan sa negosyo at pinagkukunan ng mga pagkain sa ating pang araw-araw, kundi mga kasamahan din sa ating mga tahanan.

Dahil dito, kinakailangan lamang na alagaan sila nang maayos at siguraduhin na sapat ang mga sustansiya na kanilang nakukuha sa bawat pagkain at bitamina na ating binibigay. Ngunit, hindi maiiwasan ang ating mga manok ay magkakasakit o dadapuan ng ibat-ibang sintomas ng mga delikadong karamdaman.

Sa blog ito, ating tatalakayin kung papaano malalaman na may sakit ang manok na ating inaalagaan. Tatalakayin din natin ang mga palatandaan at hakbang sa pag-aalaga upang mapanatili ang kanilang kalusugan at kagalingan.

Pagbabago sa Pakiramdam at Kilos

Ang mga manok na may sakit ay maaaring magpakita ng mga hindi pang-karaniwang kilos at pag-uugali.
Kung dati’y aktibo at masigla ang iyong mga manok ngunit biglang nagiging laging mahina at hindi aktibo, maaaring mayroon silang kondisyon na dapat bantayan. Narito ang ilang mga pagbabago na karaniwan mong mapapansin.

Pagtumba nang Madalas

Kung ang isang manok ay madalas na natutumba o nadadapa nang walang rason, ito ay maaaring nagpapahiwatig na may problema ito sa kalusugan, partikular sa mga kalamnan at buto nito.

Nahihirapang Makakita o Madaling Mapagod

Maaaring mapansin din na ang isang manok ay tila hindi na nakakakita nang maayos o madalas napapagod at inaantok kahit hindi pa panahon nang pagtulog.

Hindi Nakikihalubilo sa Ibang Manok

Karaniwan, ang mga may sakit na manok ay nagtatago sa loob ng kanilang tirahano sa ibang lugar kung saan hindi mo sila makikita, kaya hindi mo agad mapapansin ang pagbabago sa kanilang ugali na maaaring magbigay sa ‘yo ng abiso.

Alam mo ba? Ang mga manok ay nagtatago ng mga sintomas ng kanilang karamdaman.

Dahil sila ay itinuturing na prey ng ibang hayop, nais nilang itago ang kanilang kahinaan upang hindi sila maging target ng mga predators. May mga pagkakataon din na ang iba nilang kaanib ay sinusubukang itaboy ang may sakit na manok para sa kanilang sariling proteksyon, kaya ang isang may sakit na manok ay hindi nito ipapahayag ang karamdaman nito.

Pagbabago sa Hitsura ng Balahibo

Pagbabago Sa Hitsura Ng Balahibo

Kapag tinitignan mo ang isang malusog na manok, ang mga balahibo nito ay kumikinang at nasa tamang kalagayan. Ang tuka at pulang palawit nito ay maga at puno ng kulay habang ang mga mata nito ay maliwanag at malinaw.

Kapag hindi maganda ang pakiramdam ng iyong alagang manok, mapapansin mo ang pagkakaroon sugar sa balat o balahibo, lalo na kung mayroong pamamaga o dugo. Ito ay maaaring senyales na mayroon silang problema sa kalusugan. Maaaring siya ay mayroong arthritis at tenosynovitis (o avian reo virus). Kaya mainam na maging mapanuri din sa kanilang balahibo dahil nagiging indikasyon din ito ng mga karaniwang sakit ng mga manok.

Labis na Pagtatae at Pagbabago sa Konsistensiya ng Dumi

Ang labis na pagtatae ay isa sa mga pangunahing senyales ng sakit ngmga manok.

Kung mapapansin mo ang labis-labis, malapot, at kulay-abo o itim nilang pagtatae pagdurugo, ito ay maaaring senyales na may problema sila sa kanilang gastrointestinal system. Posibleng sila ay mayroong sintomas ng mga sakit na:

  • Coccidiosis
  • Egg Drop Syndrome (EDS)
  • Fowl Cholera (Pasteurella multocida)
  • Infectious Coryza (Iconvavibacterium Paragalinarum)

Mayroong dalawang uri ng dumi na nilalabas ng mga manok araw-araw.

  • Ang una ay mas matigas at may white urine salts sa itaas, na kadalasang nakikita sa umaga.
  • Ang pangalawa ay uri ng dumi na mas malabnaw at kulay kayumanggi o berde, ngunit ito’y hindi madalas na inilalabas ng mga manok.

Ang parehong uri ng dumi ay may bahagyang amoy ngunit dapat mo pa ring tandaan kung ang hitsura ng kanilang dumi ay hindi na normal upang ito ay iyong mapagamot.

Pagkawala nang Gana sa Pagkain

Ang mga manok na hindi maganda ang pakiramdam ay hindi masiyadong kumakain. Minsan, sila ay tumitigil sa pagkain nang tuluyan. Ito ay isa pang dahilan kung bakit maganda na obserbahan ang iyong alagang manok habang pinapakain mo sila.

Kung ang isang manok ay hindi lumalapit para kumain, nag-iisa, at hindi nagkukutkot sa lupa para sa mga insekto o mumunting pagkain, maaaring mayroon itong nararamdamang sakit.

Pamamaga o Paninikip ng Mata, Ilong, o Iba Pang Bahagi ng Katawan

Maliban sa mga balahibo nito, isang mahalagang bagay kung paano malalaman na may sakit ang manok ay ang pagtse-tsek ng mga mata nito. Iyong suriin kung malabo o may tumutulong luha o muta sa kanilang mga mata.

Tignan mo rin kung nakapikit ang isa o parehong mata nila nang madalas.Minsan, ang palawit, tuka, at balat sa mukha ng manok ay nagpapakita din ng mga indikasyon na may dinadalang karamdaman ang mga ito.

Sa katunayan, ang mga parteng ito ay makikitang maputla o nagbabago ng kulay. Sa ibang pagkakataon, maaari ito’ynamamaga o nagkakaroon ng sugat. Anumang pagbabago sa kanilang makulay at pulang palawit o tuka ay malamang na palatandaan na ito’y may sakit.

Pagpapakita nang Pagbabago sa Paghinga o Paglikha ng Kakaibang Mga Tunog

Pagpapakita nangg Pagbabago sa Paghinga o Paglikha ng Kakaibang mga Tunog

Ang mga manok ay nag-uusap sa isa’t isa sa buong araw, at may ilan na mas daldal kumpara sa iba. Ang pakikisalamuha sa kanila ay nagbibigay-daan para matukoy mo ang ilang paulit-ulit na tunog.

Ngunit hindi sa lahat ng panahon ay ganito ang iyong maoobserbahan. Minsan, ikaw ay makakarinig ng ibang tunog na pang-respiratorya tulad ng ubo, mabigat na paghinga, at mga tunog na parang may nagangalit ay nagpapahiwatig ng malubhang sakit, lalo na sa konteksto ng isang kasalukuyang paglaganap ng avian influenza.

Key Takeaway

Ating napag-usapan kung paano malalaman na may sakit ang manok. Katulad nating mga tao, sila ay apektado din ng mga iba’t ibang karamdaman na maaring maka-apekto sa kanilang kalusugan.

Bilang isang kilalang pangalan sa pag-aalaga at pagbibigay ng gamot sa mga alagang hayop, ang First Fil-Bio ay katuwang ninyo sa pananatili na ang inyong mga alagang manok ay malusog at malayo sa mga nakakapinsalang mga sakit.

Kami ay handang tumugon sa inyong mga katanungan tungkol sa paggamot at mga serbisyo para gamutin ang inyong mga alagang hayop. Huwag na mag atubili na kami ay lapitan ngayon at ating simulan ang unang hakbang sa pagpaparami ng mga malulusog na manok.

Share on

MORE BLOGS

Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease

02/22/2024

Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…

Read More

Paraan nang Paglilinis para sa Pag-iwas sa Marek’s Disease

02/20/2024

Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…

Read More

Paano Pangasiwaan ang Egg Drop Syndrome sa mga Manok

02/16/2024

Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…

Read More