Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More08/31/2023
Overview
Ang deworming ay hindi lamang isang simpleng hakbang sa pangangalaga sa kalusugan ng mga baboy, ito ay isang mahalagang bahagi ng pag-aalaga na nagdadala ng maraming benepisyo hindi lamang sa mga baboy kundi pati na rin sa mga taong nasa paligid nito, sa iba pang mga hayop, at sa ating negosyo.
Ang mga baboy ay isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng karne at hindi maikakailang malaki ang kontribusyon nito sa ating agrikultura. Kaya naman dapat panatilihing maganda ang kanilang kalusugan. Ngunit, ang pag-aalaga ng baboy ay hindi biro.
May isang hakbang na dapat gawin upang sila ay maging malusog at makaiwas sa anumang sakit. Ito ay ang deworming o ang pag-alis ng mga bulate sa kanilang katawan.
Sa blog na ito, ating tatalakayin ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang deworming sa baboy at kung ano ang p’wedeng maging epekto ng prosesong ito sa kanilang katawan.
Ang deworming (tinatawag ding worming, drenching, o dehelmintization) sa baboy ay isang proseso nang pag-aalis ng mga parasitikong bulate sa katawan nito. Ang mga alaga nating baboy ay madaling kapitan ng iba’t-ibang uri ng bulate, tulad ng roundworms, tapeworms, at hookworms. Ang mga bulateng ito ay maaring magdulot ga mga problema gaya ng pagkabawas ng timbang, pamamaga ng bituka, at pagbagsak ng kanilang kalusugan.
May mga samo’t saring pamamaraan upang gawin ang deworming, tulad ng dewormer na isang oral na gamot na hinahalo sa kanilang pagkain, injectable medications, at topical medications.
Narito ang limang dahilan kung bakit mahalaga ang deworming sa baboy.
Ang mga baboy ay kinakailangan ng sapat na resistensiya upang hindi maapektuhan ang kanilang produktibidad. Subalit, ang mga bulate sa kanilang katawan ay maaaring maging sanhi ng kakulangan nila ng lakas o nutrisyon. Ito’y dahil kinakain ng mga bulate ang mga sustansiyang dapat ay natatanggap nila.
Maaari din itong magdulot nang hindi maayos na paglaki o produksiyon ng baboy, lalo na kung hindi kontrolado ang mga bulate sa loob ng kanilang katawan, na posibleng maging rason upang maapektuhan ang kita o negosyo ng mga nag-aalaga nito.
May mga uri ng bulate na matatagpuan sa mga baboy na nakakahawa sa mga tao, tulad ng pork tapeworm, pig roundworm, at balantidium coli, na kabilang sa mga zoonotic diseases.
Ang sakit na ito ay kumakalat sa pagitan ng mga tao at hayop. Ito’y sanhi ng mga mikrobyo, tulad ng mga virus, bacteria, parasite, at fungi.
Sa pamamagitan ng deworming at iba pang mabisang gamot sa baboy, hindi lamang natin maaalagaan ang ating nmga baboy kundi makakaiwas din tayo sa pagkalat ng anumang sakit na maaaring makaapekto sa iba pang mga hayop at sa mga tao.
Kapag ang populasyon ng mga bulate sa mga baboy ay hindi inagapan, ito’y kakalat pa sa ibang mga hayop na kanilang makakasalamuha, tulad ng mga kalabaw, baka, o iba pang alagang hayop sa paligid.
Dahil dito, sila rin ay madadamay at magkakaroon ng problema sa kanilang kalusugan. Ito ay nagdudulot ng hindi lamang negatibong epekto sa mga baboy kundi pati na rin sa iba pang mga hayop, na maaaring magresulta sa kanilang pangangati, malnutrisyon, at zoonotic infections.
Ang mga baboy na may mga parasitikong impeksyon ay maaaring maging mahina at ma-stress. Ngunit, sa tulong ng deworming, ito ay makakatulong upang maipagpatuloy ang kaginhawaan nila, ang mataas na kalidad ng buhay, at ang pagiging masigla at produktibo.
Sa ganitong paran, magiging kampante rin tayo dahil sigurado tayong wala silang iniindang sakit na posibleng makadagdag sa ating gastusin. Kung wala ka pang panggamot, maaari mong gawin ang mga home remedies upang pansamantalang puksain ang mga parasitiko sa katawan ng iyong mga alaga. Tandaan na mas mainam pa rin kung ipapa-deworm mo ang iyong mga baboy na apektado ng mga bulate.
Panghuli, ang paglilinis sa katawan ng mga baboy mula sa mga bulate ay nagbibigay-daan upang manatiling maayos ang takbo ng iyong nagosyo sa pagbababoy. Nakakatulong din ito upang patuloy na maging malago ang industriya ng baboy sa ating bansa, lalo na’t maraming Pilipino ang nakadepende rito lalo na sa pagluluto.
Sa ganitong paraan, sigurado kang maayos at lalago pa ang iyong investment sa pag-aalaga ng mga baboy at makakasigurong dadami pa ang mga customers na magtitiwala sa ‘yo dahil masustansiya at hindi lapitin sa anumang sakit ang iyong mga baboy.
Tandaan natin na ang mabuting pag-aalaga sa ating mga alagang baboy ay nakadepende sa uri ng mga gamot at serbisyo na ating natatanggap mula sa mga eksperto. Kaya naman ugaliing kumonsulta sa mga ito upang mas lalo pang magabayan sa tamang proseso ng deworming.
Para sa iba pang katanungan patungkol sa aming mga produkto at serbisyo sa mga hayop gaya ng baboy at manok, maaari kayong mag-iwan ng mensahe sa amin dito. Ang aming team ay palaging handang tumulong upang maprotektahan ang inyong mga alaga laban sa mga mapanganib na sakit.
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More02/20/2024
Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…
Read More02/16/2024
Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…
Read More