Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More10/27/2023
Overview
Ang biglaang pagkamatay ng baboy ay maaaring magkaroon ng malaking epekto hindi lamang sa mga nag-aalaga sa kanila kundi pati na rin sa konsumer.
Sinasaliksik ng artikulo ang limang posibleng dahilan para sa biglaang pagkamatay nila.
Intestinal torsion, gastric dilation, acute worm infestations, respiratory issues, at poisoning, lahat ay may potensyal na maging rason sa kanilang agarang pagkamatay.
Ang pag-aalaga ng mga baboy ay may malalim na kahalagahan sa ating bansa dahil isa ito sa nagbibigay ng kabuhayan sa marami. Sa kabila nito, normal na sila’y magkasakit, dulot ng iba’t-ibang sitwasyon.
Isa sa mga kaakibat nito ay ang biglaan nilang pagkamatay, isang pangyayari na hindi lamang nakakaapekto sa mga taong nabubuhay sa pag-aalaga ng mga baboy, kundi pati na rin sa potensyal na epekto nito sa ating ekonomiya.
Ngunit, ano nga ba ang mga mga rason ng biglaang pagkamatay ng baboy? Ating sisiyasatin ang lima sa mga posibleng dahilan.
Ang intestinal torsion ay ang pamamaga ng bituka ng baboy. Nangyayari ito kapag nagkakaroon ng gas sa kanilang bituka, kung saan pumupulot ang malaki nilang bituka habang sila’y nagkakaroon ng kakulangan sa oxygen.
Ang kasong ito ay nagdudulot nang pagkamatay sa ibang mga baboy dahil sa pagpilipit ng kanilang bituka. Ang sakit na ito’y inaakalang sanhi ng pagkain ng may mababang fiber, hindi natutunaw na carbohydrates sa kanilang katawan, kung saan naaapektuhan ang kanilang bituka na nagdudulot ng pamamaga.
Ang isang gastric torsion at gastric dilatation volvulus ay pareho lamang. Ito ay isang kondisyon kung saan namamaga at lumalaki ang kanilang tiyan o bahagi ng kanilang gastrointestinal tract, na karaniwang resulta ng gas sa loob ng kanilang katawan. Sa kabilang dako, ang torsion ay nangyayari kapag ang kanilang tiyan o caecum ay namamaga at bumabaluktot.
Bilang resulta, ito’y maaaring magdulot ng kumpleto o bahagyang pagbabara sa kanilang tiyan. Kapag nangyari ito, napipigilan ang anumang bagay na umalis mula sa apektadong bahagi ng kanilang tiyan.
Basahin din ang Mga Karaniwang Swine Diseases sa Pilipinas
Ang mga worm infestations, tulad ng roundworms, tapeworms, at whipworms, ay lubhang nakakaapekto sa kalusugan, na maaaring maging isa sa mga rason ng biglaang pagkamatay ng baboy. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang mga bulate ay nakikipag-kumpitensiya sa mga sustansiyang mayroon sa katawan nila.
Ang ganitong pangyayari ay magbubunga ng kakulangan nila sa nutrisyon, pagtatae, mababang timbang, at anemia. Kaya mainam na regular ang pagde-deworm at pagsusuri ng kanilang dumi upang malaman at malapatan ng epektibong gamot bago ito lumubha at magdulot ng panganib sa buhay ng mga baboy.
May dalawang uri ng respitatory issues sa mga baboy. Ang una ay kinabibilangan ng mga impeksyon tulad ng swine influenza, classical swine fever, at porcine reproductive and respiratory syndrome (PRRS), na maaaring makaapekto sa maraming baboy.
Ang pangalawa naman ay kinabibilangan ng mga chronic diseases, tulad ng mycoplasmal pneumonia at pleuropneumonia, na hindi basta-bastang nawawala sa kanilang katawan, kung kaya’t naaapektuhan ang kanilang timbang pati na rin ang pagkain nila. Mainam na kumonsulta agad sa mga beterinaryo upang masuri nang maayos kung ano’ng sakit sa baga ang tumama sa iyong alagang baboy.
Ang pagkalason ng mga baboy ay maaaring mangyari sa loob o labas ng kanilang tirahan o kulungan. Ang mga karaniwang sanhi nito ay dulot ng mycotoxins, ergot, zearalanone, at vomitoxin, na maaaring magdulot ng iba’t-ibang sintomas at mga isyu sa kanilang kalusugan.
Mga posibleng panggalingan ng pagkalason nila:
Dahil sa seryosong sitwasyong ito, ang tamang diagnosis ay mahalaga para malapatan agad ng tamang gamot ang mga baboy.
Ang mga iba’t-ibang mga rason ng biglaang pagkamatay ng baboy na nabanggit ay mahalagang malaman upang tayo ay makagawa ng mga tamang hakbang upang maiwasan ito.
Sa First Fil-Bio, hangad namin na kayo ay magkaroon ng maganda at kanais-nais na karansan sa pag-aalaga ng mga baboy. Dahil hindi lang ito nakakatulong sa pagyabong ng ekonomiya sa bansa, ito ay nakakatulong din maging sa iyong pang-kabuhayan.
Kung ikaw ay may katanungan, maaari kang mag-iwan ng mensahe sa aming website. Ikalulugod namin na kayong paglingkuran!
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More02/20/2024
Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…
Read More02/16/2024
Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…
Read More