Pagkilala sa Sintomas ng Bird Flu sa Manok

12/12/2023

Pagkilala sa Sintomas ng Bird Flu sa Manok

Ano ang mga sintomas ng Bird Flu sa manok?

  1. Kawalan ng sigla, kakayahang gumalaw, o gana
  2. Pagbaba ng produksyon ng itlog
  3. Pamamaga sa paligid ng ulo, leeg, at mata
  4. Ubo, hirap sa paghinga, o pagbahing
  5. Senyales ng kaba, pagkirot, o kawalan ng koordinasyon
  6. Pagtatae o diarrhea

Overview

  • Mainam ang pag-unawa sa mga sintomas ng bird flu sa manok upang maiwasan ang masamang epekto nito sa kanilang kalusugan.
  • Ang mga senyales na ito ay mahalaga sa agaran at epektibong pagkilala upang mapanatili ang kalusugan nila. 
  • Sa pamamagitan nito, magiging mas handa tayo sa pagharap sa mga posibleng problema sa avian influenza.

Ang Avian Influenza o bird flu ay tumutukoy sa sakit na sanhi ng impeksyon sa avian influenza Type A viruses. Ito ay natural na kumakalat sa kalikasan sa mga likas na ibon sa buong mundo. Ito rin ay maaaring magdulot ng impeksyon sa domestic poultry at iba pang uri ng ibon at hayop.

Karaniwan, ang mga bird flu viruses ay hindi nakakahawa sa tao. Gayunpaman, may ilang mga insidenteng naitala na nagdudulot ng impeksyon sa tao dahil sa bird flu viruses. Sa layuning mapanatili ang kalusugan at maayos na produksyon, mahalaga ang pagkilala sa sintomas ng bird flu sa manok.

Kawalan ng Sigla, Kakayahang Gumalaw, o Gana

Kawalan ng sigla, kakayahang gumalaw, o gana

Ang kawalan ng sigla, kakayahang gumalaw, o gana ay isang kondisyon kung saan nagkakaroon nang biglaang pagbabago sa aktibidad at pakiramdam ng manok. Napapansin mo ito sa kanilang pagkilos, kung saan mas napipilita silang pumuwesto sa gilid at hindi na aktibo sa mga pangkaraniwang gawain nila, tulad ng paglilinis ng sarili, paggalaw at pagiging malikot, pag-inom ng tubig, at iba pa.

Ang kawalan ng mga ito ay maaaring senyales ng mababang kalusugan ng manok, kabilang na ang bird flu. Mahalaga ang maagap na pagsusuri upang matukoy ang sanhi nito at upang mabilis silang gumaling.

Pagbaba ng Produksyon ng Itlog

Ang pagbaba ng produksyon ng itlog ay isang kondisyon kung saan ang manok ay biglang nagtatanim ng mas mababang bilang ng itlog kumpara sa kanilang pangkaraniwang produksyon. Ito ay maaaring kaugnay sa kalusugan ng kanilang reproductive system.

Ang itlog ay pangunahing produkto ng poultry farm, at ang biglang pagbaba ng produksyon nito ay maaaring magdulot ng epekto sa kita at supply ng itlog sa merkado. Sa pamamagitan ng regular na pagtingin sa produksyon ng manok, mapapansin mo kung ang iyong alaga ay hindi ga’nong nangingitlog.

Pamamaga sa Paligid ng Ulo, Leeg, at Mata

Ang pamamaga sa paligid ng ulo, leeg, at mata ay maaari ding senyales ng inflammatory response sa katawan ng manok. Ito ay nagdudulot nang pamamaga na nangangahulugan nang pag-atake ng virus, kagaya ng bird flu.

Ang pamamaga ay nagpapahiwatig din nang paglaban ng kanilang katawan sa nakakalasong mikrobyo. Kapag napansin mo ito, mahalaga ang maagap na pagsusuri upang matukoy ang sanhi nito.

Ubo, Hirap sa Paghinga, o Pagbahing

Ubo, hirap sa paghinga, o pagbahing

Ang ubo, hirap sa paghinga, o masyadong kadalasang pagbahing ng manok ay mga senyales naman ng respiratory distress, na maaaring kaugnay sa respiratory infection tulad ng bird flu.

Kung mayroon kang manok na tila may ubo, hirap sa paghinga, o madalas na bumabahing, ito ay maaaring senyales ng respiratory distress at bird flu. Agad mo itong i-isolate at ipatingin sa beterinaryo upang maprotektahan ang iba mo pang manok sa posibleng pagkalat ng sakit.

Senyales ng Kaba, Pagkirot, o Kawalan ng Koordinasyon

Kung ang isang manok ay nagpapakita ng senyales ng kaba, pagkirot ng katawan, o kawalan ng koordinasyon, ito marahil ay may problema sa neurological health na maaaring sanhi ng bird flu.

Ang Avian virus ay maaaring magkaroon ng epekto sa utak ng manok, na nakakaapekto sa kanilang normal na pagkilos at pangangatawan. Ang agarang pagtukoy at pagsugpo sa sintomas na ito ay mahalaga upang agad na mapagaling ang apektadong manok at maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit.

Pagtatae o Diarrhea

Ang pagtatae o diarrhea ay isang kondisyon kung saan ang manok ay nagkakaroon ng hindi pangkaraniwang paglabas ng malabnaw na dumi. Ito ay maaaring senyales ng gastrointestinal issues, na isa ring indikasyon ng bird flu.

Ang mga problema sa gastrointestinal ay maaaring magdulot ng dehydration at malnutrisyon sa manok, at maaaring makaapekto sa mga organs na responsable sa pagproseso ng pagkain sa katawan nila.

Ang agarang pag-aaksyon sa mga sintomas na ito ay nagbibigay ng posibilidad na mapanatili ang normal na digestive health ng manok.

Key Takeaway

Sa pagkilala sa mga sintomas ng bird flu sa manok, mapapanatili natin ang kalusugan nila pati na rin ang ating poultry farm. Marapat lamang na kumilos kaagad upang maiwasan ang pagkalat ng sakit upang magkaroon nang maayos na produksyon ang mga manok.

Sa First Fil-Bio, nais namin ang inyong kaligtasan at tagumpay. Bilang lider sa industriya ng farm veterinary, handa kaming magsilbing gabay sa inyong mga pangangailangan. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin para sa masusing konsultasyon at para sa mga dekalidad na produkto at serbisyo. Huwag nating pabayaan ang kalusugan ng ating manok, sa First Fil-Bio, We Serve to Heal.

Share on

MORE BLOGS

Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease

02/22/2024

Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…

Read More

Paraan nang Paglilinis para sa Pag-iwas sa Marek’s Disease

02/20/2024

Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…

Read More

Paano Pangasiwaan ang Egg Drop Syndrome sa mga Manok

02/16/2024

Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…

Read More