Paano Pangasiwaan ang Egg Drop Syndrome sa mga Manok

02/16/2024

Paano Pangasiwaan ang Egg Drop Syndrome sa mga Manok

Overview

  • Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral na impeksiyon mula sa adenovirus.
  • Nakukuha ang EDS sa pakikipag-ugnayan sa pato o gansa, at naipapasa sa pamamagitan ng itlog, karayom, o kontaminadong tubig.
  • Ang mga sintomas nito ay kinabibilangan ng hindi karaniwang balat ng itlog, pagbaba ng produksyon ng itlog, at epekto sa reproductive system ng inahing manok.
  • Wala pang epektibong gamot para dito, kaya’t mahalaga ang biosecurity, paghihiwalay sa ibang ibon, at tamang bakuna.

Sa pag-aalaga ng manok, mahalaga ang maayos na pagmamanman upang mapanatili ang kalusugan ng mga itlog nila. Isa sa mga delikadong sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog ay ang egg drop syndrome (EDS).

Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung paano maaring pangasiwaan ang egg drop syndrome sa mga manok at kung paano mapanatili ang malusog na kondisyon ng buong manukan.

Ano ang Egg Drop Syndrome?

Ano ang Egg Drop Syndrome?

Ang egg drop syndrome (EDS) ay sanhi ng viral na impeksiyon sa mga inahing manok. Natutukoy ito sa pamamagitan ng pagbuo ng mga itlog na may malambot o walang balat, kahit na ang mga manok ay tila malakas. Ito ay nagdudulot nang biglang pagbaba sa naitalang produksyon ng itlog o ang kawalan ng pag-abot sa normal na antas ng produksyon.

Ang mga pato at gansa ang likas na nagdadala ng virus ng EDS at sila ay walang sintomas ngunit maaaring magdala ng sakit. Lahat ng edad at lahi ng manok ay maaaring maapektuhan, ngunit mas malubha ito sa mga broiler breeders at brown-egg layer strains. Ang EDS ay unang naipasok sa mga manok sa pamamagitan ng kontaminadong bakuna at kumalat sa buong manukan.

Saan Nakukuha ang Egg Drop Syndrome?

Ang EDS ay sanhi ng impeksyon mula sa adenovirus. Ang panahon ng incubation nito ay tatlo hanggang limang araw, at ang pag-usbong ng sakit ay tumatagal ng apat hanggang sampung linggo. Ang virus ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng mga karaniwang paraan ng viral disease at maipasa sa pamamagitan ng itlog (horizontal at vertical transmission).

Ang pakikipag-ugnayan sa mga pato o gansa, o pagbisita sa tubig o lugar na madalas puntahan ng mga ibon na ito, ay maaaring maging pinagmulan ng impeksyon. Ang tao at mga bagay na nahawahan ay maaaring magdala ng virus, na maaaring maipasa sa pamamagitan ng karayom kapag kumukuha ng dugo.

Ano ang mga Sintomas ng Egg Drop Syndrome sa Manok?

Ano ang mga Sintomas ng Egg Drop Syndrome sa Manok?

Sa pagpapalaki ng manok, mahalaga ang pagmamanman sa kanilang kalusugan upang maiwasan ang mga delikadong sakit na maaaring makaapekto sa produksyon ng kanilang itlog. Isa sa mga mahahalagang aspeto na dapat malaman ng mga nag-aalaga ng manok ay ang mga sintomas ng EDS.

Hindi Karaniwang Balat ng Itlog

Ang unang senyales ng EDS sa mga manok ay ang hindi karaniwang kalidad ng balat ng itlog. Sa mga manok na apektado, maaaring mapansin ang produksyon ng mga itlog na may maputlang balat, isang kondisyon na hindi karaniwan sa normal na pag-aalaga ng manok.

Dagdag dito, ang mga manok na may EDS ay may kadalasang ugali nang pagkain ng mga itlog na may manipis o walang balat. Ito ay nagiging bahagi ng natural na reaksiyon ng kanilang katawan.

Pagbaba ng Produksyon ng Itlog

Ang pangunahing senyales ng EDS ay ang pagbaba ng produksyon ng itlog. Umaabot ito sa 10% hanggang 40% na pagkakaroon nang pagbaba sa regular na produksyon ng itlog ng manok. Ito ang unang senyales na karamihan sa mga manok ay apektado na ng nasabing sakit. Sa mga manok na naapektuhan kung saan kumalat na ang virus, kasabay ng pagbuo ng mga antibody, ang kondisyon ay nagdudulot ng pagkabigo sa pagkamit nang inaasahang target sa produksyon ng itlog.

Kondisyon ng Reproductive System

Ang pagbaba sa produksyon ng itlog sa mga manok na tinamaan ng EDS ay kaakibat ng mga epekto ng adenovirus sa reproductive system ng mga inahing manok. Makikita ang mga epekto nito sa mga organs tulad ng oviducts at ovaries, kung saan lumalabas ang pag-aatras ng oviducts at ang kawalan ng aktibidad ng ovaries na maaaring makaapekto sa normal na proseso ng paghuhulma ng itlog.

Mga Pangunahing Paraan sa Pagkontrol ng EDS

Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit sa manok na walang kasalukuyang epektibong gamot. Sa kasalukuyan, ang pangunahing paraan ng kontrol ng EDS ay nakatuon sa pagsusuri at pagpapalaganap nito.

Pagsugpo ng Sakit

Ang epektibong biosecurity ay pangunahing hakbang sa paglaban sa EDS. Kasama rito ang matindi at maingat na pagsunod sa mga biosecurity protocols, kabilang ang disinfection area bago pumasok sa poultry farm at pagsasaayos ng limitadong bilang ng tao na pwedeng pumasok sa farm.

Pangangalaga Laban sa Impeksyon

Sa pangangalaga laban sa impeksyon sa mga manok, mahalaga ang paghihiwalay ng mga ito mula sa ibang ibon, lalo na ang mga waterfowl, upang maiwasan ang direktang pagkalat ng virus mula sa iba’t-ibang species. Bukod dito, isang mahalagang hakbang din ang chlorination ng potensiyal na kontaminadong tubig bago ito gamitin sa mga manok.

Bakuna Laban sa Sakit

Ang bakuna laban sa sakit ay may mga aspeto tulad ng inactivated vaccines na may oil adjuvant na maaring maging epektibo sa pag-iwas sa EDS sa manok. Ang tamang pag-administer nito ay mahalaga para sa pangmatagalang proteksyon laban sa sakit. Ang oras ng pagbabakuna ay karaniwan sa edad na 14-18 na linggo para sa manok at maaring itong isama sa ibang bakuna gaya ng sa Newcastle disease para sa mas malawakang proteksyon.

Key Takeaway

Ang mga paraan paano pangasiwaan ang egg drop syndrome sa mga manok ay nagsisimula sa pagsugpo nito ay ang mahigpit na biosecurity measures, paghihiwalay sa ibang ibon, at ang tamang administrasyon ng inactivated vaccines na may oil adjuvant.

Para sa masusing impormasyon at mga produktong makakatulong sa pangangalaga ng inyong manok laban sa EDS at iba, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa First Fil-Bio. Ibisita ang aming website o tawagan ang aming hotline para sa karagdagang detalye at serbisyong hatid ng First Fil-Bio.

Share on

MORE BLOGS

Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease

02/22/2024

Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…

Read More

Paraan nang Paglilinis para sa Pag-iwas sa Marek’s Disease

02/20/2024

Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…

Read More

Ang Epekto ng Egg Drop Syndrome sa Mga Manukan

02/14/2024

Ano ang epekto ng egg drop syndrome sa mga manukan? Pagbaba ng produksyon ng itlog Manipis o malambot na balat…

Read More