Bakit Mahalaga ang Deworming sa Manok

10/03/2023

Bakit Mahalaga ang Deworming sa Manok

Bakit mahalaga ang deworming sa manok?

  1. Mabawasan ang pagkalat ng bulate
  2. Proteksyon laban sa mga komplikasyon
  3. Maiwasan ang iba’t-ibang sakit
  4. Mapalakas lalo ang kalusugan
  5. Magreresulta sa mas produktibong manok

Overview

  • Ang deworming ay nagpapabawas ng stress sa mga manok, nagiging mas matibay ang kanilang immune system, at nagbibigay proteksyon laban sa iba’t-ibang sakit at stressors sa kanilang paligid.
  • Ang mga manok na malusog ay mas epektibo sa pagko-convert ng kinakain nila, na nagreresulta sa mas mababang gastos sa produksyon nila.
  • Higit pa rito, sila rin ay mas aktibo’t malusog, na nagreresulta sa mas magandang kalusugan.

Isa ang manok sa mga hayop na may mahalagang kontribusyon sa pag-aagrikultura sa Pilipinas. Sila ang pangunahing pinagkukunan ng karne at itlog ng libo-libong mamamayan, mapa-sariling pagkonsumo man o para sa pagnenegosyo.

Upang mapanatili ang kalidad ng produkto na makukuha sa ating mga alagang manok, mahalagang aspeto ang deworming o pagpuksa sa mga parasites o bulate sa katawan nila.

Bakit nga ba ito mahalaga sa kanilang kalusugan? Tatalakayin natin sa blog na ito ang mga dahilan kung bakit ang deworming ay nakakaapekto sa produktibidad at kalusugan nila.

Ano ang mga Sintomas na Uusbong kapag May Bulate ang Manok?

Magkakaiba ang mga sintomas na mayroong bulate ang mga manok, depende sa uri ng bulate na nagbibigay ng sakit sa kanila. Ilan sa mga karaniwang senyales na dapat mong bantayan ay ang:

  • Pagbaba ng produksyon nila ng itlog
  • Pagtatae
  • Pagbaba ng timbang kahit kumakain
  • Pamamaga ng leeg
  • Kawalan ng sigla
  • Kakaibang hitsura mula sa normal nilang kabuuan

Isa ring sintomas ang pagdikit nila ng puwet sa lupa upang makaramdam nang ginhawa mula sa pangangati o pagkairita dahil sa pagkakaroon ng bulate.

Mabawasan ang Pagkalat ng Bulate

Ang mga bulate tulad ng roundworms, tapeworms, hairworms, at gape worms ay maaaring magdulot ng sakit sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng mga manok. Kapag ito’y naging sanhi ng sakit, maaari itong magkaroon ng malubhang epekto sa kalusugan ng mga manok, tulad ng gastrointestinal tract, digestive system infection, malnourishment, panghihina ng katawan, hirap sa paghinga, at pagkakaroon ng ubo.

Kung kaya’t mahalaga ang regular na pagde-deworm sa kanila upang maiwasan ang mga sakit na ito na maaaring makaperwisyo sa kanilang kalusugan pati na rin sa iyong negosyo.

Proteksyon Laban sa Mga Komplikasyon

Proteksyon laban sa mga komplikasyon

Hindi lamang magdudulot nang pamamayat sa mga manok ang bulate. Sinisipsip nito ang dugo at sustansya mula sa katawan nila. Mabuti na lamang ang deworming ay tumutulong para makaiwas sa ganitong komplikasyon, na nagreresulta upang mas maging maayos ang kondisyon ng iyong mga manok.

Sa pamamagitan nito, maipapakita rin ng mga nag-aalaga ng manok na sila’y responsable sa kanilang mga alaga. Ito’y nagpapabuti ng kanilang reputasyon bilang mga poultry raisers, na nagbibigay naman ng kumpiyansa sa mga mamimili na ang mga manok na ibinebenta nila’y ligtas kainin.

Bilang isang lisensyado at nangunguna sa industriya ng beterinaryo ng sakahan, ang First Fil-Bio ay may mga produkto na makakatulong sa pagpapagaling sa mga manok na may sakit lalo na sa mga bulate.

Maiwasan ang Iba’t-Ibang Sakit

Ang mga manok na mayroong bulate sa kanilang katawan ay mas madalas at unang tinatamaan ng iba’t-ibang uri ng sakit tulad ng anemia, digestive disorders, respiratory infections, mahinang immune system, at pagkamatay.

Gayunpaman, mahalaga ring tandaan na ang deworming ay hindi isang solusyon sa lahat ng problemang pangkalusugan ng manok. Ito ay isang bahagi ng pangangalaga sa kanilang kalusugan na dapat isagawa nang may tamang pagsunod sa dosage at schedule, at ito ay dapat na ipinatutupad kasama ang iba pang mga hakbang sa pangangalaga sa manok, tulad ng malinis na kalinisan, wastong nutrisyon, at preventive measures. Sa gayon, mapapanatili ang kanilang kalusugan.

Mapalakas Lalo ang Kalusugan

Mapalakas lalo ang kalusugan

Isa sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang deworming sa manok ay ang pagsigurong sila ay malusog at mas produktibo. Halimbawa, ang mga layer hens, na isang uri ng manok ay pinapalaki upang mag-produce ng mga itlog. Sila ay kayang mangitlog ng marami kada taon.

Sa kabilang banda, ang mga broiler chickens naman ay lumalaki nang mas mabilis, na nagbibigay din ng mataas na produksyon at kita para sa mga poultry raisers.

Kapag ang mga ganitong manok ay malaya mula sa mga bulate, magkakaroon sila ng mas maraming lakas at sigla upang magbigay ng maraming itlog sa ‘yong negosyo.

Magreresulta sa Mas Produktibong Manok

Ang mga bulate ay nagdudulot ng stress sa mga manok. Kaya naman importante ang pagde-deworm sa kanila upang mas maging matibay ang mga manok mula sa stress sa kanilang paligid.

Ang mga manok na walang anumang bulate sa kanilang katawan ay karaniwang mas aktibo at nagpapakita ng natural na mga kilos tulad ng paghahanap ng pagkain at pagkukuskos sa alikabok. Ito’y nakakatulong para mas maging maganda ang pag-develop ng kanilang kalamnan at kabuuang kalusugan.

Higit sa lahat, ang prosesong ito ay nakakatulong upang mabilis nilang ma-convert ang kanilang kinakain. Ito’y epektibo upang maging maganda ang pagpo-produce nila ng itlog at maging maayos ang kanilang timbang.

Key Takeaway

Kung pagbabatayan ang mga dahilan na aming nailatag, ito ay isang mahalagang bahagi upang maalagaan ang iyong mga manok. Dapat natin itong isagawa nang regular at maayos upang masigurong hindi sila lalapitan ng iba’t-ibang bacteria, parasites, at sakit.

Kahit may mga abot-kamay na lunas na maaaring mabili sa mga botika, mas mabisa paring kumonsulta muna sa mga eksperto.

Kami sa First Fil-Bio ay bukas sa inyong mga katanungan ukol sa mga pamamaraan sa tamang pag-aalaga sa mga manok. Para sa mga iba pang tips o katanungan tungkol sa pag-aalaga at paggamot sa inyong mga manok, bumisita lang sa aming website.

Share on

MORE BLOGS

Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease

02/22/2024

Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…

Read More

Paraan nang Paglilinis para sa Pag-iwas sa Marek’s Disease

02/20/2024

Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…

Read More

Paano Pangasiwaan ang Egg Drop Syndrome sa mga Manok

02/16/2024

Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…

Read More