Mga Karaniwang Sakit ng Baboy
Kabilang sa mga hamon ng pag-aalaga ng mga baboy ay ang posibilidad na magkaroon sila ng sakit na maaaring makaapekto sa kalusugan nila pati na rin sa hanapbuhay ng mga nagbebenta sa kanila.
Kasama sa mga karaniwang sakit ng baboy ay African Swine Fever, Hog Cholera, Foot and Mouth Disease, Swine Respiratory Diseases, Swine Dysentery, Porcine Reproductive and Respiratory Syndrome, at iba pa.
Ang mga sakit na ito’y maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng maraming baboy at malaking pagkawala ng kita sa sektor kung kaya’t mahalaga ang mga mabisang gamot sa baboy. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang anumang problema na hinaharap.