Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More12/19/2023
Overview
- Ang epekto ng sakit ng Newcastle sa produksyon ng itlog ay nagdudulot ng mababang produksyon, manipis na balat at maputlang kulay ng itlog na may hindi maayos na hugis.
- Ang epekto naman nito sa mga inahing manok ay ang pagkakaroon ng hirap na paghinga at mataas na porsyento ng mortalidad.
- Ang agarang pagtukoy at pagsusuri sa mga senyales na ito ay mahalaga upang mapanatili ang kalusugan ng manok at maiwasan ang negatibong epekto nito sa poultry farm.
Ang sakit na Newcastle ay isang malubhang uri ng virus o peste na maaaring magdulot ng nakamamatay na sakit sa mga manok, kalapati, pugo, at iba pang ibon. Karaniwan, makikita ang mga sintomas nito tulad ng biglaang pagkamatay, pagiging malamlam, at hirap sa paghinga.
Sa pag-unlad ng industriya ng manok, mahalaga ang pag-unawa sa epekto ng sakit ng Newcastle sa produksyon ng itlog. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol dito ay nagbibigay daan sa maayos na pangangalaga sa alaga, mapanatili ang kalusugan ng manok, at maipagpatuloy ang maayos na produksyon ng itlog.
Ang mababang produksyon ng itlog ay isang kondisyon kung saan ang mga manok ay biglaang nagtatanim ng mas mababang bilang ng itlog kumpara sa kanilang pangkaraniwang produksyon. Ito ay kaugnay sa malubhang epekto ng sakit ng Newcastle sa reproductive system ng mga inahing manok.
Ito ay isang masusing senyales ng epekto ng virus sa kalusugan ng layer flocks. Ito rin ay maaaring magdulot nang malaking pagkawala sa kita at supply ng itlog sa merkado, na nagiging problema lalo na sa mga poultry farms.
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa kondisyong ito ay nagbibigay-daan para sa maagap na aksyon upang mapanatili ang normal na bilang ng mga itlog.
Ang manipis na kabibi o balat ng itlog ay isang kondisyon kung saan ito ay nailuwal na may manipis na balat kumpara sa karaniwang itlog. Ito ay nagreresulta sa pagkakaroon nang kahinaan ng itlog at hindi magandang kalidad nito.
Importanteng tutukan ang senyales na ito sapagkat maaari itong makaapekto sa kita ng poultry farm at sa pangangailangan ng merkado. Upang malaman kung ang manipis na balat ay konektado sa sakit ng Newcastle, maaaring kumonsulta sa mga eksperto sa veterinary.
Ang maputlang kulay ng kayumangging itlog ay isang kondisyon kung saan ang mga itlog ay iba ang kulay. Ito’y maaaring madilaw o mas maputla kaysa sa normal na kulay ng kayumangging itlog.
Ang ganitong pagbabago ng kulay ay maaaring magbigay nang agam-agam sa mga mamimili. Mahalagang malaman na ang pagkakaroon ng sakit na ito ay hindi lamang nagdudulot ng problema sa produksyon kundi pati na rin sa kalusugan ng mga taong bibili nito.
Ang hindi maayos na hugis ng itlog ay isang kondisyon kung saan ang itlog ay mayroong depekto, tulad ng pagkakaroon ng iregular na porma. Dahil dito, may posibilidad na hindi ito bilhin ng mga tao, na makakaapekto naman sa kita ng mga poultry farmers.
Ang agarang pag-alam kung maayos ang hugis ng mga itlog o hindi ay nakakatulong upang agad mong matuklasan kung maayos ang kalidad nito. Upang malaman kung ang mga ganitong itlog ng manok ay konektado sa sakit ng Newcastle, maaaring isagawa ang laboratory tests para sa virus sa tulong ng mga experto.
Ang mga inahing manok na nahihirapang huminga ay maaaring may respiratory distress, na posibleng epekto ng Newcastle. Ang mga sintomas nito ay ang hirap sa paghinga, ubo, at pamamaga ng mga mata.
Ang respiratory distress ay nangangailangan din nang agarang aksyon upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa iba pang manok. Ang pagtukoy ng mga inahing manok na nahihirapang huminga ay maaaring gawin sa pamamagitan ng regular na pagmamasid sa kanilang kilos at pagsusuri sa kanilang respiratory system.
Ang matataas na porsyento ng mga inahing namamatay ay isang malubhang senyales ng epekto ng sakit ng Newcastle sa layer flock. Ito ay nagdudulot nang malaking panganib sa produksyon ng mga itlog.
Sa layuning maiwasan ang pagtaas ng mortalidad ng inahing manok dulot ng sakit ng Newcastle, mahalaga ang regular na screening at pagsusuri sa kanila. Agarang aksyon tulad ng isolation ng mga apektadong manok at pagsasagawa ng tamang biosecurity measures ay kritikal para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa buong poultry farm.
Sa pag-unawa sa epekto ng sakit ng Newcastle sa produksyon ng itlog, maaaring maiwasan ang malubhang epekto nito sa layer flocks at mapanatili ang normal na produksyon ng itlog at ang kalusugan ng manok.
Sa First Fil-Bio, nais namin ang inyong kaligtasan at tagumpay. Bilang lider sa industriya ng farm veterinary, handa kaming magsilbing gabay sa inyong mga pangangailangan. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin para sa masusing konsultasyon at para sa mga dekalidad na produkto at serbisyo.
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More02/20/2024
Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…
Read More02/16/2024
Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…
Read More