Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More12/18/2023
Overview
- Ang Newcastle Disease (ND) ay isang malubhang sakit sa manok at ibang ibon, dulot ng virulent Newcastle disease virus (NDV).
- Maaaring makuha ang virus mula sa dumi ng may sakit na manok, sipon o secretions ng kapwa manok, at kontaminadong bagay.
- Upang maiwasan ito, panatilhin ang sapat na distansiya ng bawat manok, pagsunod sa tamang panglinis ng kanilang tirahan, at ang regular na pagpapabakuna.
Ang Newcastle Disease (ND) ay isang malubhang sakit na nakakaapekto sa manok, kalapati, pugo, at iba pang ibon. Ito ay dahil sa virus o peste na maaaring magdulot ng mataas na mortalidad sa mga apektadong hayop. Ang sakit na ito ay maaaring makaaapekto sa produksyon ng kanilang itlog pati na rin sa kanilang kalusugan.
Sa layuning mas maintindihan ang kahalagahan nang agarang pagtukoy sa mga sakit ng manok at upang mapanatili ang kanilang kalusugan, tatalakayin natin ang mga hakbang sa tamang pagtukoy ng Newcastle Disease sa mga manok.
Ito ay isang sakit sa mga manok at iba pang uri ng ibon na dulot ng virulent Newcastle disease virus (NDV). Ang virulent NDV ay isang nakakamatay na sakit, kung saan may malalaking epekto ito hindi lamang sa mga manok kundi pati sa kapaligiran. Ito ay isang pandaigdigang problema sa kalusugan ng mga manok na kadalasang lumalabas bilang isang acute respiratory disease.
Sa ngayon, wala pang lunas para sa Newcastle disease. Ito ay lumaganap sa mga manok sa karamihan ng Asya, Africa, Mexico, at ilang bansa sa Timog Amerika.
Ang mikrobyo ng ND o peste ay maaaring makuha mula sa dumi ng may sakit na manok. Bukod dito, mahahawa rin ang manok mula sa sipon o secretions ng kapwa nito o kahit sa ibang uri ng ibon sa paligid. Posible ring makuha ang virus mula sa mga kontaminadong bagay, tulad ng gamit sa manukan, damit at gamit ng tao, sasakyan, ibang hayop, itlog o laman-loob ng manok na may sakit.
Isa pang paraan nang pagkalat nito ay sa pamamagitan ng hangin, lalo na kung ang kalapit na manukan ay mayroong laganap na peste. Ang vertical transmission ng Newcastle Disease ay hindi pa lubos na malinaw at madalas pinag-aawayan. Ito ay dahil ang mga bagong itlog ay maaaring mahawa sa pamamagitan ng kontaminadong dumi, balat ng itlog, o kapaligiran.
Sa pagsusuri ng Newcastle Disease sa mga manok, mahalaga ang tamang pagkilala sa mga sintomas nito. Ang mga sumusunod ay ilang kahalintulad na sintomas na maaaring makita sa manok na apektado nito:
Isa sa mga pangunahing senyales ng Newcastle Disease sa manok ay ang pag-ubo, hirap sa paghinga, at pamamaga ng respiratory system. Kapag napansin mo ang iyong manok na madalas umubo o hirap sa paghinga, ito ay maaaring senyales na apektado ang kanilang respitatory system. Ito ay maaaring magdulot nang malubhang problema sa kanilang kalusugan, kaya’t mahalaga ang maagap na pagkilala at pagsugpo sa mga sintomas na ito.
Ang pagdurugo sa kalamnan at iba pang bahagi ng katawan ay isa pang mahalagang senyales ng Newcastle Disease. Maaaring makita ang mga bahagi ng katawan ng manok na namamaga o may mga marka ng dugo. Ang kondisyong ito ay nagdudulot ng discomfort sa manok.
Hindi lamang sa pisikal na aspeto nakikita ang epekto ng Newcastle Disease. Maaari din itong magdulot nang pagbaba ng produksyon ng manok, lalo na sa kanilang itlog. Ang mga manok na apektado ay maaaring mawalan nang gana sa pagkain at bumaba ang timbang, na maaaring humantong sa kahinaan at kanilang pagkamatay.
Upang maiwasan ang pagkalat ng Newcastle Disease, kinakailangan ang tamang hakbang. Iwasang ilapit ang iyong alaga sa ibang manok at ikulong sila. Bawasan ang paghiram o pagpapahiram ng manok na panabong sa kapitbahay, at kung mayroong bagong dating na manok, ikulong ito at ihiwalay ng dalawang linggo bago isama sa karamihan.
Gumamit ng disinfectant tulad ng sodium hypochlorite o bleach para sa panglinis ng mga kulungan at sundin ang tamang pamamaraan sa pagbabakuna. Ang pagbabakuna ang pinakamabisang paraan para maiwasan at maprotektahan ang iyong mga manok laban sa ND.
Mahalaga ang pagsunod sa mga hakbang sa pagtukoy ng Newcastle Disease sa mga manok upang maiwasan ang malalang epekto nito. Ang pagbabakuna ang pinakamabisang paraan para maprotektahan ang mga manok laban sa mga sakit, at ang tamang hakbang sa biosecurity ay makakatulong sa pag-iwas sa pagkalat ng sakit.
Para sa dekalidad na produkto at serbisyong pang-agrikultura, makipag-ugnayan sa First Fil-Bio. Bilang nangungunang pangalan sa industriya ng farm veterinary, handa kaming magsilbing gabay sa inyong pangangailangan. Huwag pabayaan ang kalusugan ng iyong manok. Sa First Fil-Bio, We Serve to Heal.
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More02/20/2024
Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…
Read More02/16/2024
Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…
Read More