Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More08/18/2023
Overview
Ang mga home remedies na gamot para sa may sakit na baboy ay maaaring maging epektibo upang tulungan ang ating mga alagang baboy na malabanan ang kanilang mga nararamdamang sakit. Ang mga ito, mula sa pagbibigay ng sapat na tubig at elektrolito, paggamit ng halamang gamot, pagpapahid ng likas na mga langis, pagtimpla ng tsaa mula sa mga dahon ng malunggay, hanggang sa pagpapainom ng langis ng castor ay maaaring magdulot ng ginhawa at mabilisang lunas sa mga karaniwang sakit ng baboy.
Parte sa buhay ng isang nag-aalaga ng baboy ang maharap sa mga iba’t-ibang suliranin tungkol sa kalusugan ng kanilang alaga. Gaano man tayo mag-ingat sa pagsisiguro na sila ay maliksi at malusog, hindi maiiwasan na tatamaan sila ng mga sakit.
Bagamat ang modernong gamot at medikal na tulong ay maasahan, minsan ay maaari ring gamitin ang mga tinatawag na home remedies na gamot para sa may sakit na baboy. Ating pag-uusapan ngayon ang mga uri ng mga gamot na p’wede nating gamitin sa mga panahon na ang ating mga alagang baboy ay may karamdaman.
Ang mga baboy ay nangangailangan ng sapat na hydration o pagsigurado na sila ay nakakainom ng malinis na tubig araw-araw upang mapanatili ang kanilang kalusugan.
Alam mo ba na ang kabuuang sistema ng mga baboy ay binubuo ng halos 70% na tubig? Kung kaya’t ang baboy na may mababang balanse ng tubig sa katawan ay maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan, tulad ng mabagal na pagtunaw ng pagkain, na p’wedeng maging resulta upang ito’y maging malnourished, kulang sa timbang, at madaling magkasakit.
Kung sila’y nagtatae, ang banta ng dehydration ay malaki. Maaari kang gumawa ng homemade electrolyte solution sa pamamagitan nang paghahalo ng asin at asukal sa isang litrong tubig. Ito ay makatutulong sa pagpapalakas ng kanilang katawan.
Kung hindi pa rin magiging maayos ang kalagayan nila pagkatapos mo silang painumin, kumonsulta na agad sa isang maaasahang beterinaryo sapagkat maaaring sila ay mayroong Porcine Epidemic Diarrhea (PED).
Ang Pilipinas ay kilala sa iba’t-ibang uri ng mga halamang gamot dahil sa klima at heograpiya nito. Kaya naman madalas itong ginagamit ng mga Pilipino bilang pangunahing sangkap sa paggawa nila ng organikong gamot.
Ang mga halamang gamot o herbal ay maaari ring gamitin para makaiwas sa mga sakit ang ating mga baboy. Halimbawa, ang mga halamang sambong, oregano, at serpentina ay kilala bilang lunas sa ilang mga karamdaman, tulad ng pamamaga, pampatibay ng immune system, respiratory infections, at iba pa.
Ngunit, mahalaga pa ring mag-ingat at magkaroon ng wastong kaalaman sapagkat maaaring magdulot ng masamang epekto ang maling paggamit sa mga ito.
Ang mga sakit sa balat ng baboy, tulad ng kuto at galis, ay maaaring malunasan gamit ang mga natural na langis o ang mga essential oils. Ang langis ng niyog at oregano ay dalawa sa mga pinakamadaling makuha at epektibong lunas na maaari mong gamitin.
Ang langis ng niyog ay puno ng mahahalagang fatty acids, bitamina, at mga antioxidants na maaaring magpakinis at magprotekta sa balat ng baboy. Narito ang ilan sa mga pangunahing benepisyo:
Pahiran lamang ang apektadong parte ng balat ng baboy at unti-unti mong makikita ang paggaling ng kanilang balat.
Ang mahusay na pag-aalaga sa baboy ay hindi nababatay sa pagpapanatili ng malinis na lugar o kulungan lamang. Isang napakahalagang tungkulin na dapat gampanan ng mga nag-aalaga ng baboy ay ang pagpapanatili ng malusog na immune system ng mga alaga nilang baboy laban sa mga sakit.
Kung nais mong mapalakas ang immune system ng iyong baboy, ang malunggay ang pinakamabuting halaman para rito. Ang mga dahon nito ay puno ng bitamina C at iba’t-ibang mga nutrients na maaaring makatulong upang palakasin ang kanilang immune system. Timplahin lamang ang mga dahon na parang tsaa at ipainom ito sa iyong baboy.
Ang mga parasitikong mikrobyo sa bituka ng iyong baboy gaya ng Isospora suis, Trichuris suis, at Balantidium coli ay maaaring maging sanhi ng iba’t-ibang mga sakit.
Upang labanan ito, maaari mong gamitin ang langis ng castor. Ito ay mayroong antimicrobial na maaaring puksain ang mga harmful na mikrobyo sa bituka. Maglagay lamang ng isang kutsarang langis ng castor sa pagkain ng iyong baboy at siguruhing ito ay kanyang mauubos.
Narito ang mga natatanging produkto mula sa First Fil-Bio na tutulong upang masigurong magiging malusog, masigla, at malayo mula sa mga sakit ang inyong alagang baboy.
Ang Bioxy-20 ay gamot upang makontrol ang Swine Enzootic Pneumonia (SEP), Leptospirosis, Pasteurellosis, Salmonellosis at Actinobacillus Pleuropneumoniae Infection sa baboy.
Ang Enerfil-S ay isang suplemento ng bitamina at mineral na nagpapalakas ng sigla, resistensya sa mga sakit, at nagtatama ng mga kakulangan sa nutrisyon ng mga baboy.
Ang Biovixxol-40 ay pang-iwas at paggamot sa mga sakit sa paghinga ng baboy na sanhi ng mga sensitive bacteria. Ang produktong ito ay ginagamit para sa pagkontrol ng swine pleuropneumonia.
Ang Mulectrocon naman ay ginagamit upang iwasto ang dehydration at hindi balanseng electrolyte upang mapabuti ang kalusugan at paglaki ng mga baboy.
Natuklasan natin na may mga iba’t-ibang mga home remedies na gamot para sa may sakit na baboy. Gayunpaman, mahalaga rin na mabilis tayong kumilos at maghanap ng propesyonal na tulong kung kinakailangan, para sa mas epektibong lunas sa mas malalang mga karamdaman. Manatiling maalaga at mapanuri sa pag-aalaga ng ating mga hayop upang mas maging magaling pa tayo sa pag-alam sa mga palatandaan na may nararamdaman na mga sakit ang mga ito.
Kami sa First Fil-Bio ay handang tumugon sa mga katanungan na mayroon kayo tungkol sa mga usaping tungkol sa inyong mga halagang hayop, sa manok o baboy man ito. Maaari kayong mag-iwan ng mensahe sa amin dito para sa inyong mga katanungan.
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More02/20/2024
Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…
Read More02/16/2024
Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…
Read More