Kahalagahan ng Pag-unawa sa mga Karaniwang Sakit ng Manok

Kahalagahan sa Pag-unawa sa mga Karaniwang Sakit ng Manok

Ang mga sakit ng manok ay maaaring magdulot ng malubhang epekto sa kalusugan ng mga ito. Dahil dito, mahalagang alamin ang mga sintomas ng iba't ibang karaniwang sakit ng manok at ang tamang mga paraan ng paggamot nito.

Sa pamamagitan ng maagap at tamang pag-aalaga, maaaring maiwasan ang pagpasok at pagkalat ng mga karaniwang sakit sa manok at mapanatili ang malusog na kalagayan ng inyong alagang manok. Sa ganitong paraan, maaari ring protektahan ang inyong kabuhayan at mapanatili ang produktibidad ng mga manok.

Kaya't huwag mag-atubiling magtanong o maghanap ng impormasyon tungkol sa tamang pag-aalaga ng manok, kasama na ang tungkol sa mga karaniwang sakit ng manok. Siguraduhing lagi itong maiiwasan sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga at pagbibigay ng tamang nutrisyon.

Kahalagahan sa Pag-unawa sa mga Karaniwang Sakit ng Manok

Mga Karaniwang Sakit ng Manok

Mga Karaniwang Sakit ng Manok

Nararanasan ng mga manok ang maraming uri ng sakit at kadalasan ay mahirap itong iwasan. Kaya't mahalagang malaman mo ang mga karaniwang sakit ng manok upang may magawa laban sa mga ito.

Avian Influenza o Bird Flu

Avian Influenza o Bird Flu

Ang bird flu ay isang malubhang sakit na nakakaapekto sa sistema ng paghinga ng mga manok at nagdudulot ng pagkamatay ng mga ito. Ito ay maaaring kumalat sa iba pang mga hayop at maging sa mga tao kung hindi ito mapigilan.

Mga sintomas: pag-ubo, hirap sa paghinga, pamamaga ng respiratory system, at pagkamatay.

Newcastle Disease

Newcastle Disease

Isang nakakahawang sakit na dulot ng virus na nagdudulot ng mga sintomas tulad ng labis na pagkahina, respiratory distress, at iba pa. Ito rin ay nakakaapekto sa kalusugan ng mga manok at nagdudulot ng kanilang pagkamatay.

Mga sintomas: pag-ubo, hirap sa paghinga, at pamamaga ng respiratory system, pagdurugo sa kalamnan at iba pang bahagi ng katawan, pagbaba ng produksyon at pagkamatay.

Infectious Bronchitis (IB)

Infectious Bronchitis (IB)

Ang Infectious Bronchitis ay isang nakakahawang sakit na nakakaapekto sa respiratory at reproductive system ng mga manok. Karaniwang itong naipapasa sa pamamagitan ng direktang contact sa ibang mga manok na may sakit, o sa pamamagitan ng kontaminadong gamit at kagamitan sa poultry farm.

Mga sintomas: pag-ubo, hirap sa paghinga, at pamamaga ng respiratory system.

Infectious Bursal Disease (IBD)

Infectious Bursal Disease (IBD)

Ang sakit na ito ay target ang Bursal gland ng mga manok, na siyang nagbibigay ng mga immune cells na mahalaga upang mapanatiling malakas ang kanilang immune system. Dahil sa pag-atake ng sakit na ito, nagiging mahina ang immune system ng mga manok.

Mga sintomas: panghihina, pagkabansot, pagdurugo sa kalamnan at iba pang bahagi ng katawan at pagkamatay.

Turkey rhinotracheitis (TRT) or Avian

Swollen Head Syndrome (SHS) or Turkey rhinotracheitis (TRT)

Ito ay isang sakit na dulot ng mga virus na sinisira ang respiratory system ng mga manok .Maari din itong makaapekto sa kalidad ng itlog ng manok tulad ng pagnipis ng shell nito.

Mga sintomas: pamamaga ng ulo at mukha, pagsisipon at paghalak, paghihirap sa paghinga, at pagnipis ng shell ng itlog.

Infectious Coryza (Avibacterium paragalinarum)

Infectious Coryza (iconvAvibacterium paragalinarum)

Ang Infectious Coryza ay isang nakakahawang sakit na epekto ng isang bakterya na tinatawag na Avibacterium paragallinarum.

Mga sintomas: pamamaga ng mukha at parte ng mata, pagluluha, pagsisipon, pag ubo, pamumutla ng palong at mucosa, pagtatae, pagkahina at pagkamatay.

Ornithobacterium rhinotrachale

Ornithobacterium rhinotrachale

Ito ay isang pleomorphic na bakterya na kadalasang pinapahina ang respiratory system ng mga manok. Ito’y kilala rin bilang sanhi ng mga sakit ng manok tulad ng infectious coryza.

Mga sintomas: pamamaga ng mukha, pamamaga ng mga mata, pamamaga ng sinus, pag-ubo, pagbaba ng timbang at pagbaba ng produksyon ng itlog.

Fowl Cholera (Pasteurella multocida)

Fowl Cholera (Pasteurella multocida)

Ang Fowl Cholera ay kadalasang isang sakit sa respiratory system ng mga manok, ngunit maaari rin itong makaapekto sa bituka, atay, at puso ng manok.

Mga sintomas: pagkawala ng ganang kumain, pagkahina, pamamaga ng mga mata at mga paa, pag-ubo, hirap sa paghinga, at pamamaga ng mga laman-loob, pamumutla ng palong at ibang bahagi ng katawan, pagbaba ng produksyon, pagtatae at pagkamatay.

Salmonellosis or Fowl Typhoid and Pullorum Disease

Salmonellosis o Fowl Typhoid at Pullorum Disease

Ang Salmonellosis, Fowl Typhoid, at Pullorum Disease ay tatlong magkakaugnay na mga sakit sa mga ibon na sanhi ng mga Salmonella bacteria.

Mga sintomas ng Pullorum disease: pagtatae ng putiang dumi (pasty vent), pagkawala ng ganang kumain, pagkahina, pag-ubo, pamamaga ng mga mata at pagkabulag, pamamaga ng mga kasukasuan at mataas na bilang ng namamatay sa batang manok.

Mga sintomas ng Fowl Typhoid: pagkawala ng timbang, pamumutla at pagkahina, pagliit ng mga itlog, pamamaga ng mga kasukasuan, at pamamaga ng mga bituka, atay, bato at lapay.

Mycoplasmas gallisepticum (MG) and Mycoplasma synoviae (MS)

Mycoplasmas gallisepticum (MG) at Mycoplasma synoviae (MS)

Ang Mycoplasma gallisepticum (MG) at Mycoplasma synoviae (MS) ay dalawang uri ng Mycoplasma bacteria na nakakaapekto sa kalusugan ng mga manok, lalo na sa kanilang respiratory system.

Mga sintomas ng Mycoplasma gallisepticum: ubo at sipon, halak, pamamaga ng mga mata, at pamamaga ng mga sinus.

Mga sintomas ng Mycoplasma synoviae: pamamaga at sakit sa mga kasukasuan, pamamaga ng mga paa, at pamamaga ng mga bato.

Infectious Laryngotracheitis(ILT)

Infectious Laryngotracheitis (ILT)

Ang Infectious Laryngotracheitis (ILT) ay isang nakakahawang sakit ng mga manok na epekto ng isang herpesvirus na tinatawag na Gallid herpesvirus 1 (GaHV-1). Ang ILT ay nagdudulot ng pamamaga at impeksyon ng larynx at trachea ng mga apektadong manok.

Mga sintomas: ubo, halak at pisik, pag ubo na may kasamang dugo, panghihina, pamamaga ng mga mata at pagkamatay.

Inclusion Body hepatitis or Hydropericardium syndrome

Inclusion Body hepatitis or Hydropericardium syndrome

Ang IBH o HPS ay kadalasang apektado ang mga manok sa edad na 3 hanggang 6 linggo.

Mga sintomas: panghihina at hepatitis, pagbaba ng produksyon ng itlog, madaming bilang ng namamatay.

Egg Drop Syndrome (EDS)

Egg Drop Syndrome (EDS)

Ang Egg Drop Syndrome (EDS) ay isang disease na nakakaapekto sa mga manok at nagdudulot ng pagbaba ng produksyon ng itlog. Ang virus ay kumakalat sa pamamagitan ng kontak sa kontaminadong dumi at tubig; at naipapasa sa mga sisiw galing sa inahing manok.

Mga sintomas:pagkahina, pagtatae,pagnipis ng shell ng itlog, pagkawala ng shell ng itlog, pagliit ng size ng itlog, malabnaw na albumin, at pagbaba ng produksyon ng itlog.

Necrotic enteritis (Clostridium perfringrens)

Necrotic enteritis (Clostridium perfringrens)

Ang Necrotic Enteritis ay isang sakit ng mga manok na nakakaapekto sa mga bituka o enteric system ng mga ito. Ang bacteria ay karaniwang nakikita sa bituka ng mga malulusog na manok at dumadami lamang kapag nagkaroon ng pagbabago sa loob ng bituka, na nagiging dahilan ng produksyon ng mga toxins na siyang sumisira sa bituka.

Mga sintomas: pananamlay, pagtigil sa paglaki, walang gana kumain, pagkahina at pagtatae ng dugo o itimang dumi.

Fowl Pox

Fowl Pox

Ang Fowl Pox, na kilala rin bilang Avian Pox ay dulot ng isang virus na tinatawag na Avipoxvirus na nagiging sanhi ng 2 klase ng lesions sa manok, ang cutaneous (dry) form at ang diphtheric (wet) form. Ang cutaneous form ay karaniwang nakikita sa balat at pakpak, samantalang ang diphtheric naman ay sa mga mucosa o lining ng trachea at iba pang bahagi ng respiratory tract..

Mga sintomas: paltos at pagbabalat sa mga bahagi ng mukha, mata at tuka, pagkahina, paggalaw ng pagkain o inumin, pamamaga at pagkakaroon ng nana sa mga mata, pag-ubo, halak at pisik.

Marek’s Disease

Marek’s Disease

Ang Marek's Disease ay dala din ng isang virus na tinatawag na Herpes virus. Ito ay tumatama sa nervous system, sa balat at pati sa mga organs ng manok. Ang virus ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng mga crusts o dander galing sa apektado na balat, na pumupunta sa hangin at nalalanghap ng ibang mga manok.

Mga sintomas: panghihina, pagkapilay, pangangayayat, abnormal na pupil ng mata, nakaangat na follicle ng pakpak sa balat, mga tumor sa mga organs ng manok, pagkahina ng immune system, pagkabulag, kawalan ng ganang kumain at pagkamatay.

Coccidiosis

Coccidiosis

Ang Coccidiosis ay dulot ng mga protozoan parasites na tinatawag na coccidia na maaaring makuha ng mga manok sa kanilang kapaligiran na kontaminado ng oocyst na nasa dumi ng may sakit na manok.

Mga sintomas: pangangayayat, kawalan ng gana kumain, pamumutla ng mga mata, paa at palong, panghihina, pagtatae at pagdumi na matubig at may dugo, at pagkamatay.

Avian Malaria

Avian Malaria

Ang Avian Malaria, na kilala rin bilang Avian Haemoproteus o Bird Malaria, ay isang sakit na dulot ng mga protist parasites na tinatawag na Plasmodium. Ang parasitiko na ito ay dinadala ng lamok at naipapasa sa ibon habang ang lamok ay kumakagat sa mga ito. Ang parasitiko na ito ay sumisira sa mga red blood cells sa dugo, isang klase ng cells na nagdadala ng oxygen sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mga sintomas: pamumutla ng balat, paa at palong, pagkahingal at panghihina pagpapakita ng hindi karaniwang kilos, paglaki o pamamaga ng atay at lapay, pagdurugo sa mata, pagtatae ng kulay berdeng dumi at pagkamatay.

Arthritis at Tendonitis (Reo virus)

Arthritis at Tenosynovitis (Avian Reo virus)

Ang arthritis at tenosynovitis ay mga kondisyon na nakikita tulad ng pamamaga at pananakit ng mga kasukasuan at mga tendon ng manok. Maari din itong maging dahilan ng malabsorption o maldigestion syndrome na nagdudulot ng pamumutla ng balat at mga paa, panghihina, pagkabansot at pangangayayat, at magulong mga balahibo. May mga bagong senyales ang sakit na ito tulad ng panginginig, hindi normal na paglalakad, at pagbaliko ng leeg ng manok.

Mga Sintomas ng mga Karaniwang Sakit ng Manok

Mga Sintomas ng mga Karaniwang Sakit ng Manok

Mahalaga na alagaan at bantayan ang kalusugan ng mga manok upang maiwasan ang mga sakit na ito. Narito ang mga sintomas ng karaniwang mga sakit ng manok na dapat bantayan:

Pagkawala ng Gana sa Pagkain

Pagkawala ng Gana sa Pagkain

Kung hindi na kumakain ang manok at nawawalan na ito ng gana sa kanyang mga kinakain, maaaring ito ay dahil sa isang sakit.

Pagkaiba ng kulay ng palong at mga balat

Pagkaiba ng kulay ng palong at mga balat

Ang mga manok ay maaaring magkaroon ng iba't ibang kulay ng palong (crest) at balat, at ang mga ito ay maaaring mag-iba-iba depende sa uri ng sakit ng mga manok. Importanteng patingnan sila sa isang espesyalista upang maagapan ang biglaang pag-iiba ng kanilang kulay.

Panlulugo at pananamlay

Mataas na Lagnat

Kapag mayroong sakit ang mga manok, maaari itong magdulot ng pagtaas ng kanilang temperatura. Ito ay maaaring magpakita ng mga sintomas tulad ng paninigas ng katawan, pag-iinit ng pakiramdam ng manok, at pagkakaroon ng mataas na lagnat.

Infectious Bursal Disease (IBD)

Pagtaas ng kaso ng pagsisipon, pisik at halak

Ang pagtaas ng kaso ng pagsisipon, pisik, at halak ng manok ay maaaring nagpapahiwatig ng mga problema sa kalusugan nila. Ito ay maaaring sanhi ng bacterial, fungal o viral respiratory infections.

Swollen Head Syndrome (SHS)

Pagbaba ng produksyon ng itlog

Ang pagbaba ng produksyon ng itlog ng manok ay isang kondisyon kung saan ang manok ay nagkakaroon ng pagbawas sa bilang ng itlog na kanilang inilalabas o kaya pagdami ng bilang ng basag o luno na itlog.

Pagbaba ng produksyon ng itlog

Pagbaba ng timbang o pangangayayat

Ang pangangayayat ng manok ay isang kondisyon kung saan ang manok ay nagkakaroon ng pagbawas ng timbang o katawan dahil sa kakulangan ng tamang nutrisyon dulot ng pagkawalang gana sa pagkain.

Pagsusuka

Pamimilay o di paglalakad

Ang pamimilay o di paglalakad ng manok ay isang kondisyon kung saan ang manok ay may problema sa paglakad o may kahirapan sa paggalaw. Ito ay maaaring maging dahilan ng hindi pagkain ng mga manok dahil sa hindi sila makalapit sa pakainan nito.

Pagtaas ng kaso ng soft-shelled at mga basag na itlog

Pagtaas ng kaso ng soft-shelled at mga basag na itlog

Ang pagtaas ng kaso ng soft-shelled at mga basag na itlog ng manok ay maaaring maging epekto ng ilang mga viral na sakit o nutrisyon ng mga manok tulad ng kakulangan sa calcium at ganun din ang stress sa kapaligiran.

Pagdami ng nagkakasakit (morbidity)

Pagdami ng nagkakasakit (morbidity)

Ang pagdami ng nagkakasakit o morbidity ng mga manok ay maaaring magpahiwatig ng mabilis na pagkalat ng sakit o pagiging contagious ng isang sakit. Ito ay maaaring dahil sa viral, fungal, bacterial o parasitic infections.

Pagdami ng nangamamamatay (mortality)

Pagdami ng nangamamamatay (mortality)

Ang pagdami ng nangamamatay o mortality ng mga manok ay tumutukoy sa pagtaas ng bilang ng mga manok na namamatay dulot ng mga sakit.

Pagdami ng nagkakasakit (morbidity)

Pagtaas ng kaso ng panting or malalim na paghinga ng manok

Ang pagtaas ng kaso ng panting o malalim na paghinga ng mga manok ay maaaring dulot ng respiratory diseases, kondisyon sa kapaligiran, allergy, stress, o paghina ng kanilang resistensiya.

Mga Epekto ng mga Karaniwang Sakit ng Manok sa Kalusugan ng mga Ito

Mga Epekto ng mga Karaniwang Sakit ng Manok sa Kalusugan ng mga Ito

Kung ang iyong mga manok ay nakakaranas ng mga sintomas ng karaniwang sakit, maari lamang na maagapan agad, dahil ito ang mga posibleng epekto kung hindi kaagad mapigilan:

Pagkakalat ng Sakit sa Iba pang mga Manok sa Inyong Manukan

Pagkakalat ng Sakit sa Iba pang mga Manok sa Inyong Manukan

Kapag mayroong manok na nagkakasakit sa isang lugar, maaari itong magdulot ng pagkalat ng sakit sa ibang manok na kasama sa lugar na iyon. Kung hindi agad ito maagapan, maaari itong magdulot ng mas mabilis na pagkalat ng sakit sa ibang lugar.

Pagkakalat ng Sakit sa Iba pang mga Manok sa Inyong Manukan
Pagkakaroon ng Impeksyon

Pagkakaroon ng Impeksyon

Pagkakaroon ng Impeksyon

Ang mga sakit ng manok ay maaaring magdulot ng impeksyon sa manok at maaari ring magdulot ng mas malubhang mga senyales tulad ng panghihi at hindi pagkain ng mga ito. Kung hindi ito agad maaagapan, maaari itong magdulot ng mas malalang mga komplikasyon at paghina ng resistensiya.

Pagkakaroon ng Pagbagsak sa Produksyon ng Itlog

Pagkakaroon ng Pagbagsak sa Produksyon ng Itlog

Kung ang mga manok ay nakararanas ng mga sintomas ng sakit, maaaring makakaapekto ito sa produksyon ng kanilang mga itlog, na magdudulot ng malaking kawalan ng kita sa mga magmamanok.

Pagkakaroon ng Pagbagsak sa Produksyon ng Itlog
Pagkamatay ng mga Manok

Pagkamatay ng mga Manok

Pagkamatay ng mga Manok

Kung hindi naagapan agad ang sakit ng manok, maaaring magdulot ito ng pagkamatay ng mga ito. Ito ay hindi lamang makakaapekto sa kalusugan ng mga manok, kundi maaari rin itong magdulot ng kawalan ng kita at pagkalugi ng mga magmamamanok.

Mga Hakbang upang Maiwasan ang mga Karaniwang Sakit ng Manok

Mga Hakbang upang Maiwasan ang mga Karaniwang Sakit ng Manok

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, maaaring maiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa kalusugan ng manok. Mahalaga na magkaroon ng sapat na kaalaman at pagkalinga sa mga manok upang mapanatili ang kanilang kalusugan at maiwasan ang pagkakaroon nila ng mga sakit. Narito ang ilang mga hakbang upang maiwasan ang mga karaniwang sakit ng manok:

Paglilinis ng Manukan

Paglilinis ng Manukan

Ang regular na paglilinis ng manukan ay mahalaga upang maiwasan ang pagkalat ng mga mikrobyo at bacteria. Dapat linisin ng regular ang lahat ng kagamitan at paligid ng manukan upang maiwasan ang pagkakaroon ng mabahong amoy at pagkakalat ng mga sakit.

Paglilinis ng Manukan
Pagbibigay ng Sapat na Espasyo para sa Bawat Manok

Pagbibigay ng Sapat na Espasyo para sa Bawat Manok

Pagbibigay ng Sapat na Espasyo para sa Bawat Manok

Mahalagang magbigay ng sapat na espasyo sa bawat manok. Sa pamamagitan nito maiiwasan ang siksikan at pagkakalat ng mga sakit. Mahalagang ihiwalay ang mga manok na may sintomas at bigyan ng karagdagang pag-aalaga at medikasyon ang mga ito.

Pagbibigay ng Sapat na Nutrisyon at Tubig

Pagbibigay ng Sapat na Nutrisyon at Tubig

Ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon at malinis na tubig sa mga manok ay mahalaga upang mapanatili ang kanilang kalusugan at maiwasan ang pagkakaroon ng mga sakit. Ito rin ay mahalaga kung ang mga ito ay nakakaranas na ng mga karaniwang sakit ng manok.

Pagbibigay ng Sapat na Nutrisyon at Tubig
Regular na Pagpapa-check-up sa mga Manok

Regular na Pagpapa-check-up sa mga Manok

Regular na Pagpapa-check-up sa mga Manok

Mahalagang magkaroon ng regular na pagpapa-check up, pagbibisita at obserbasyon sa mga manok upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa ibang manok. Sa pamamagitan ng maagap na pagkilala at pagtugon sa mga sakit, maiiwasan ang malubhang epekto sa kalusugan ng mga manok.

Mga Epekto ng mga Karaniwang Sakit na ito sa Pangkabuhayan ng mga Negosyante at sa Industriya ng Manok

Mga Epekto ng mga Karaniwang Sakit na ito sa Pangkabuhayan ng mga Negosyante at sa Industriya ng Manok

Ang mga sakit ng manok ay hindi lamang nagdudulot ng epekto sa kalusugan ng mga ito kundi maaari rin itong magdulot ng epekto sa pangkabuhayan ng mga magsasaka at sa industriya ng manok. Narito ang ilan sa mga epekto nito:

Pagkawala ng Manok at mga Produkto Nito

Pagkawala ng Manok at mga Produkto Nito

Ang mga sakit sa kalusugan ng manok ay maaaring magdulot ng pagkamatay ng mga manok at pagkawala ng kanilang mga produkto tulad ng itlog at karne. Ito ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa kita ng mga magsasaka at sa industriya ng manok.

Pagtaas ng Gastos sa Pangangalaga ng Manok

Pagtaas ng Gastos sa Pangangalaga ng Manok

Sa pagkakaroon ng sakit ng manok, kinakailangan ng mas maraming gastos sa pangangalaga at pagpapagamot ng mga ito. Ito ay maaaring magdulot ng pagtaas ng gastos sa pangangalaga ng mga manok.

Pagbabawas ng Demand sa Manok at Produkto Nito

Pagbabawas ng Demand sa Manok at Produkto Nito

Ang pagkakaroon ng mga sakit ng manok ay maaaring magdulot ng pagbaba ng supply sa mga produkto ng manok tulad ng itlog at karne. Ito ay maaaring magdulot ng pagbabawas sa kita ng mga magsasaka at sa industriya ng manok.

Pagkakaroon ng Regulatory Sanctions

Pagkakaroon ng Regulatory Sanctions

Kapag may mga sakit ang manok sa isang manukan, maaaring magresulta ito sa regulatory sanctions tulad ng pagpapataw ng quarantine at pagbabawal sa pagpapakain at paglilipat ng mga manok sa ibang lugar. Ang ganitong mga hakbang ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kabuhayan ng mga magmamanok.

Siguraduhin ang Kalusugan at Kagalingan ng Iyong mga Manok Laban sa mga Sakit sa Tulong ng First Fil-Bio!

Upang makaiwas sa karaniwang sakit ng manok, mahalagang alagaan at palakihin nang mabuti ang mga manok sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, magpakonsulta sa mga eksperto sa manukan, at gumamit ng tamang mga produkto upang maprotektahan ang mga manok laban sa mga sakit.

Kung nais mong masiguro ang kalusugan at kagalingan ng iyong manok, piliin ang First Fil-Bio. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng mga produkto ng First Fil-Bio, ang iyong mga manok ay magiging mas malusog at mas produktibo, at maaaring magdulot ng mas malaking kita para sa iyong negosyo.

Piliin ang First Fil-Bio! Mag-iwan ng mensahe sa aming website para sa pangmatagalang kalusugan ng iyong manok at pangkabuhayan ng iyong negosyo.