Mga Karaniwang Sakit ng Manok

08/04/2023

Mga Karaniwang Sakit ng Manok

Ano-ano ang mga karaniwang sakit ng mga manok?

  1. Gumboro Disease
  2. Coccidiosis
  3. Avian Influenza
  4. Newcastle Disease
  5. Infectious Coryza

Ang pag-aalaga ng manok ay kinawiwilihang gawain ng maraming Pilipino. Ang mga manok ay hindi lamang nagbibigay ng masustansiyang itlog at masarap na karne, kundi nag-aambag din sa kabuhayan ng mga nag-aalaga nito.

Ngunit, katulad ng iba pang mga hayop, ang mga manok ay maaaring maapektuhan ng iba’t ibang sakit na maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan at produktibidad. Sa blog na ito, ating tatalakayin ang limang mga karaniwang sakit ng manok, ang kanilang mga sintomas, at mga pamamaraan upang gamutin ang mga ito.

Gumboro Disease

Gumboro Disease, na kilala rin bilang infectious bursal disease (IBD), ay isang viral na sakit na maaaring magdulot nang malubhang epekto sa immune system ng mga manok. Ang virus na sanhi ng Gumboro Disease ay dumadaloy sa mga bursa ng manok, ito ay hugis chestnut na matatagpuan sa itaas ng kanilang tumbong, na siyang bahagi ng immune system na nagpapalakas ng kanilang resistensya sa katawan laban sa mga impeksiyon.

Ang mga manok na apektado ng sakit na ito ay maaaring magpakita ng iba’t-ibang sintomas, tulad ng pag-ubo, hirap sa paghinga, pamamaga ng respiratory system, at pagkamatay.

Upang magamot ang sakit na ito, maaari kang sumangguni sa mga beterinaryo nang mabigyan ng tamang gamot at mapabakunahan ang iyong mga manok laban sa sakit na ito.

Coccidiosis

Coccidiosis

Ang coccidiosis ay isang sakit na sanhi ng mga parasitic infection na tinatawag na coccidia, na kalimitang nagbibigay ng sakit sa mga hayop gaya ng manok at iba pang ibon. Ang mga sintomas nito ay ang pamamayat, pagkahina, pagtatae, at pagtirik ng mga mata hanggang sa tuluyang mamatay ang manok.

Ang isa sa mga bakunang ginagamit upang gumaling ang manok sa sakit na ito ay ang bakuna na tinatawag na anti-coccidials. Ito’y nakakatulong upang pigilan ang pag-develop, pag-reproduce, at pananatili ng mga parasites sa katawan ng iyong mga manok.

Kami sa First Fil-Bio ay may kakayahang matuklasan ang ganitong uri ng sakit gamit ang aming mga diagnostik na pagsisiyasat. Ito’y sa tulong ng aming laboratoryo na may mga de-kalidad na kagamitan at teknolohiya. Ang mga ito’y ginagamit ng aming mga propesyonal at lisensiyadong experts na may mataas na kasanayan sa larangan ng beterinaryo.

Avian Influenza

Isa sa pinakakilalang sakit ng mga manok sa mundo ay ang avian influenza, o bird flu. Sa katunayan, ang Pilipinas ay nagkaroon na nang ganitong kaso kaso noong 2022. Iniulat ang kabuuang anim na kaso mula sa Candaba at Masantol, Pampanga; Sta. Maria, Bulacan; Cagayan Valley; Sultan Kudarat; at Sampaloc, Maynila.

Bilang tugon at upang mapabilis ang pagpuksa sa sakit na ito, importanteng linisin ang tirahan ng mga manok, hugasan ang kanilang mga kainan at inuman, at gumawa ng mga estratehiya nang pag-iingat laban dito.

Ang mga sintomas ng AI ay ang panghihina, pamamayat, pamumula ng ilong at mata, at pagkabahala. Kung labis ang sintomas na nararamdaman ng mga manok, maaari silang mamatay sa loob ng isang araw. Kaya naman dapat mong ihiwalay agad ang isang manok na apektado ng sakit na ito mula sa iba pang mga hayop

Newcastle Disease

Newcastle Disease

Ang sakit na Newcastle ay maaaring makaapekto sa iba’t ibang uri ng ibon gaya ng mga manok. Ang virus na ito’y nalilipat sa isang manok patungo sa iba sa pamamagitan nang direktang pagkontak sa respiratory secretions, tae, o mga contaminated surfaces. Ang mga ibon na apektado nito ay naglalabas ng virus sa pamamagitan ng sipon, respiratory droplets, tae, at mga balahibo.

Ito ay nagbibigay ng mga nakakabahalang sintomas, tulad ng labis na pagka-uhaw, pamamayat, pamumula ng mata at ilong, at pagkawala nang gana sa pagkain na kapansin-pansin sa mga manok na tatamaan ng sakit na ito.

Infectious Coryza

Panghuli, ang Infectious Coryza ay sanhi naman ng bacteria na tinatawag na Avibacterium paragallinarum. Ang mga sintomas nito ay umiikot sa pagkakaroon ng sipon, pananakit ng ulo, at pamamaga ng mukha ng mga manok. Naaapektuhan nito ang upper respiratory tract ng mga manok, na nagiging sanhi upang mamaga ang kanilang mga mata at nasal passages.

Key Takeaway

Mahalaga na maging maagap at maingat sa kalusugan ng iyong mga alagang manok. Sa ganitong paraan, maaaring mabawasan ang mga karaniwang problema at sakit ng mga manok na maaaring makaapekto sa kanila, sa iyong negosyo, at sa buong produksiyon sa industriya ng manok.

Kami sa First Fil-Bio ay katuwang ninyo sa adhikaing mapanatiling malusog ang iyong mga alagang manok. Naniniwala kami na ang pagsunod sa mga pamamaraan ng pag-iingat, pagkonsulta, at pagbibigay ng tamang gamot at bakuna ay makakatulong sa kanilang kalusugan.

Para sa iba pang katanungan, maaari kang mag-iwan ng mensahe sa amin dito. Kami sa First Fil-Bio ay nagbibigay ng mga masusustansiyang pagkain, vitamins, at bakuna para sa iyong mga manok, nang sa gayon ay manatili silang malusog at malakas!

Share on

MORE BLOGS

Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease

02/22/2024

Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…

Read More

Paraan nang Paglilinis para sa Pag-iwas sa Marek’s Disease

02/20/2024

Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…

Read More

Paano Pangasiwaan ang Egg Drop Syndrome sa mga Manok

02/16/2024

Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…

Read More