Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More08/04/2023
Overview
Ang pangangalaga sa mga baboy ay kinakailangan nang malasakit at maingat na pangangasiwa. Isama na rin dito ang mabusising pagmamasid, pagkontrol sa kani-kanilang espasyo para maiwasan ang pag-aagawan nila sa pagkain, panatilihing malinis ang kanilang paligid, at pagkuha ng tulong mula sa mga propesyonal kung kinakailangan. Ang mga hakbang na ito ay hindi lamang tungkol sa kanilang kalusugan kundi pati na rin sa kabuuan ng agrikultura at industriya ng baboy.
Ang mga baboy ang isa sa mga pangunahing bumubuhay sa industriya ng agrikultura at pagkain. Kung kaya’t ang kanilang kalusugan at produktibidad ay kinakailangan.
Normal lang sa mga hayop na magkasakit at maging matamlay, ngunit ang pagkawala nila nang gana sa pagkain ay isa sa mga p’wedeng magpahirap sa kanila. Kung kaya’t ating pag-uusapan ang mga dapat gawin kapag hindi kumakain ang baboy. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.
Ang mga baboy, tulad ng ibang hayop, ay hindi katulad natin na may kakayahang magsabi ng kanilang nararamdaman kaya dapat tayo ay maging mapagmasid sa mga sakit na maaaring dumapo sa kanila, tulad ng panghihina, ubo, labis na pagtatae, at mga pagbabago ng hitsura ng kanilang balat.
Ang pagiging alisto sa pagpuna sa mga karaniwang sakit ng baboy o mga sintomas na ito ay magbubukas ng daan upang ikaw ay maging alerto at malaman mo kung kailan sila dapat dalhin sa isang ekspertong beterinaryo.
Bilang isa ang mga baboy sa mahalagang pinagkukunan ng karne, ang pag-aalaga sa kanila ay isang malaking responsibilidad na hindi dapat minamaliit.
Isa sa mga parating maririnig mo sa mga nag-aalaga ng baboy ay ang pagsisiguro na ang mga pagkaing kanilang ibinibigay sa mga alaga nila ay masustansiya at may bitamina upang makakuha sila ng tamang nutrisyon na kailangan ng kanilang katawan.
Ngunit, huwag pa ring kalimutan na ang isang mahusay na diet ay kinakailangan dahil ito ay nagtataglay ng tamang nutrisyon para sa kanilang kalusugan at paglago ng kanilang populasyon.
Kung hindi mo alam ang mga masustansiyang pagkain na kanilang kailangan, p’wede kang humingi ng tulong sa isang eksperto sa nutrisyon ng baboy para masiguro na ang kanilang pang-araw-araw na pagkain ay alinsunod sa kung ano ang tama at naaayon sa kanilang gulang.
Kung mayroon kang maraming alagang baboy, nagiging mahirap para sa ‘yo ang pagbabantay kung silang lahat ay kumakain. Sa sitwasyon ito, mas kinakailangan mong siguraduhin kung kumakain sila nang sapat upang hindi sila manghina o magkasakit.
Ang pagbabantay sa kani-kanilang distansya ay makakatulong din upang maiwasan ang pag-aagawan nila sa pagkain. Ang tamang distansya ay magpapahintulot din sa kanila na kumain nang mapayapa nang hindi nababahala dulot ng masikip na paligid.
Ang maliit na hakbang na ito ay labis na makakatulong din upang makaiwas ang iyong mga alagang baboy mula sa sakit. Kailangan tingnan din kung nauubos nila ang kanilang pagkain.
Gawin mo ring prayoridad ang pagpapanatiling malinis at maayos ang kanilang paligid. Siguraduhing malinis palagi ang kanilang tahanan, lalagyanan ng kanilang pagkain, at maging ang mga pinagkukunan mo ng kanilang pagkain. Ang gawaing ito ay maliit na bagay lamang kung ikukumpara mo sa labis-labis na stress na maaari mong makuha sa oras na magkasakit ang iyong mga baboy.
Panghuli, kung ang mga naunang hakbang na aming nabanggit ay hindi pa rin sapat, huwag mag-atubiling humingi nang tulong sa mga propesyonal.
Ang mga beterinaryo at mga eksperto sa pag-aalaga ng baboy katulad namin sa First Fil Bio ay may sapat na kaalaman at karanasan upang matugunan ang mga hindi madaling suliranin ng mga baboy, tulad nang kawalan nang gana sa pagkain. Kami ang maglalapat ng karampatang gamot at bakuna upang hindi lumubha ang kanilang sakit at maiwasang makahawa pa ng ibang baboy.
Ating napag-usapan ang mga dapat gawin kapag hindi kumakain ang mga baboy. Kinakailangan mo nang mahabang pasensiya, malasakit, at maigting na pag-oobserba sa kanila. Higit pa rito, ang pag-alam sa mga sanhi kung bakit hindi sila kumakain at ang epektibong pagtugon sa mga dapat gawin ay makakapagbigay nang malaking tulong upang masigurong maayos ang kanilang kalusugan. Hindi lamang ito magbibigay ng benepisyo sa kanila, kundi pati na rin sa iyong negosyo.
Kami sa First Fil Bio ay hangad na kayo ay mas maging aktibo pa sa pag-aalaga ng inyong mga baboy. Naiintindihan namin na hindi madali ang pag-aalaga sa mga ito kaya nandito kami para maging kaakibat ninyo sa pag-aalaga sa kanila.
Para sa inyong mga katanungan tungkol sa aming mga maaasahang produkto, bakuna, at gamot para sa inyong mga alagang baboy, huwag mag dalawang isip na mag-iwan ng mensahe sa amin dito.
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More02/20/2024
Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…
Read More02/16/2024
Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…
Read More