Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More10/20/2023
Overview
Ang mga sakit na maaaring dumapo sa balat ng baboy ay ang kuto, mange, ringworm, swine pox, ticks, flies, pityriasis rosea, at greasy pig disease.
Kung hindi agarang magagamot ang mga sakit na ito, makakaapekto ito sa kanilang kalusugan at kabuuang produksyon.
Ang balat ng baboy ay isa sa mga pangunahing bahagi ng kanilang katawan. Nangangailangan din ito nang masinsinang atensyon sa pag-aalaga dahil ito ang una nilang pang-depensa laban sa mga bacteria. Ang kanilang balat ay mabilis maapektuhan ng mga organisms sa paligid nito. Dahil dito, sila’y maaaring makaranas at matamaan ng impeksyon sa balat.
Ang ating pag-uusapan ngayon ay ang mga sakit sa balat ng baboy na p’wedeng magbigay ng masamang epekto sa kanilang kalusugan. Malalaman din ninyo ang mga epektibong gamot sa baboy na makakatulong upang maghilom ang kanilang sakit sa balat.
May dalawang uri o specie ang mga kuto sa baboy. Ito ay ang Nymphal lice at Haematopinus suis.
Ang nymphal lice ay kadalasang nakikita sa kanal o sa balat sa likod ng kanilang tainga. Maaari din itong mapansin sa mga folds ng kanilang leeg at sa medial na bahagi ng kanilang mga binti. Samantala, ang Haematopinus suis naman ay matatagpuan sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan. Ito din ang pinaniniwalaang pinakamalaking kuto (5–6 mm) na nagdudulot ng sakit sa maraming baboy.
Ang pagkakaroon ng kuto ay isa sa mga sakit sa balat ng baboy, na maaaring magresulta sa pangangati at pagbaba ng kanilang timbang dahil sa trauma na dulot nito. Ang mga ito’y maaaring alisin sa pamamagitan ng kombinasyon ng mga injectable macrocyclic lactone at pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.
Ang mange ay isang sakit sa balat na sanhi ng mga mites o mange mites, partikular na ang Sarcoptes scabiei var suis. Ito’y nagbibigay ng pangangati, pamamaga, at pagkakaroon ng maliliit na sugat sa balat ng baboy.
Ito ay nagsisimula sa kanilang ulo pababa sa tainga, na dahilan kung bakit ginagalaw nila ang kanilang ulo. Kumakalat din ito sa buo nilang katawan kung hindi agad maaagapan.
Ang mga mange ay nabubuhay sa kanilang katawan sa loob ng 10-14 na araw lamang, ngunit kailangan itong gamutin nang maayos upang hindi na ito kumalat sa ibang baboy.
Maaaring gamitin ang injectable doramectin at ivermectin laban sa mga mites at itinuturing na pinakamabisang paggamot.
Isang fungal infection (Trichophyton mentagrophytes) na p’wede ring tumama sa baboy ay ang ringworm. Ang baboy na may mala-kayumanggi, pabilog, at may sugat na dahan-dahang kumakalat sa kanilang likod at kanilang tainga ay dulot ng ringworm na kumakalat sa kanilang katawan.
Ang kondisyong ito ay hindi lamang kritikal sa mga baboy kundi pati na rin sa ating mga tao. Upang malinis ang kanilang sugar, maaari kang gumamit ng chlorhexidine.
Ang baboy na mayroong bilog o hugis-itlog na sugat ay nangangahulugan na ito’y may swine pox. Ito’y gumagaling sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo. Ngunit, kung hindi mo ito gagamutin, ito’y mamamaga. Ang regular na pagbabakuna sa iyong mga alagang baboy ay makakatulong upang maiwasan ang sakit na ito.
Ang mga ticks ay mga parasitikong insekto na maaaring magdulot ng pangangati at pamamaga sa balat ng mga baboy. Maaari din itong maging daan nang pagkakaroon nila ng impeksyon, lalo na kung hindi ito agad matatanggal sa kanilang balat.
Ang iba’t-ibang uri ng mga langaw ay maaari ring magdulot ng mga problema sa kanilang balat. Ang mga ito ay maaaring magbunga ng mga sugat, pamamaga, at impeksyon kapag ang insektong ito’y nangingitlog sa balat ng baboy.
Ang Pityriasis rosea ay isa ring pangkaraniwang sakit na tumatama sa balat ng baboy. Ito ay maaaring magdulot ng mga pulang bukol o pantal sa kanilang balat. Gayunpaman, ito ay karaniwang self-limiting at hindi gaanong nakakasama sa kanilang kalusugan.
Ang greasy pig disease ay nagdudulot naman nang pamumula, pamamaga, at pagkakaroon ng discharge sa mukha at balat ng baboy. Ito’y nagiging sanhi rin ng mga bacteria, kung kaya’t ang agresibong pangangalaga ng balat ay kinakailangan para sa paggaling nito.
Ang balat ng baboy ay isang mahalagang bahagi ng kanilang kalusugan. Ang maagang pagkilala, pangangalaga, at paggamot sa mga sakit na ating tinalakay ay mahalaga.
Kami sa First Fil-Bio ay katuwang ninyo sa pag-aalaga ng kalusugan ng mga baboy. Makakapaglingkod kami sa inyo gamit ang mga mahahalagang impormasyon at mga produkto na makakatulong sa pag-iwas at paggamot sa anumang sakit nila.
Para mas mapanaig natin ang kalusugan at kabutihan ng mga baboy, na nagbibigay ng positibong epekto sa industriya ng agrikultura, huwag kayong mag-atubili na mag-iwan ng mensahe sa aming website para sa inyong mga katanungan.
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More02/20/2024
Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…
Read More02/16/2024
Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…
Read More