Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More10/25/2023
Overview
Ang artikulong ito ay nagbibigay ng mga mahahalagang sanitation tips para sa mga tirahan ng baboy.
Ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng malinis na supply ng tubig, tamang pagpili ng disinfectants, tamang paraan ng paglilinis, at pagpapanatili nang malinis nilang tirahan.
Sa Pilipinas, ang industriya ng pag-aalaga ng baboy ay may malalim na kontribusyon sa ekonomiya ng bansa, ngunit ito rin ay hinaharap ng maraming pagsubok. Sa kasalukuyang kalagayan ng industriya, nararapat na tayo ay may ideya sa mga sanitation tips sa tirahan ng baboy, lalo na’t ang populasyon nila ay patuloy na bumababa.
Ayon sa mga datos, noong 2021, tinatayang 9.87 milyon na lang ang populasyon ng baboy sa buong bansa, na 12.4% mas mababa kaysa sa parehong panahon ng nakaraang taon na may 11.27 milyon. Ito ay bunga ng epekto ng African Swine Fever (ASF), isa sa mga karaniwang sakit ng baboy na nagdudulot ng pagkamatay ng mga ito.
Upang mapanatili ang kanilang kalusugan at maisalba ang industriya, mahalagang sundin ang mga hakbang na may kinalaman sa sanitation at biosecurity. Ating pag-uusapan ngayon ang mga ito upang masigurong ligtas ang iyong mga baboy sa loob ng kanilang kulungan.
Ang 8 ng timbang ng baboy ay naglalaman ng tubig. Ibig sabihin lang nito ay may mahalagang parte sa kalusugan nila ang malinis na tubig at pinagmumulan nito. ‘Di lingid sa kaalaman ng lahat na ang mga sistema ng tubig para sa mga pasilidad ng baboy ay maaaring maglaman ng iba’t-ibang bacteria, protozoa, at ilang mga virus.
Sa mga commercial farms, kung saan ay mas maraming baboy ang inaalagaan, mahalagang siguruhin ang kanilang tubigan ay laging malinis at ligtas. Ito ay mas pinatutunayan ng data mula sa Philippine Swine Update kung saan 72.1% ng populasyon ng baboy ay mula sa backyard farms. Kung manggagaling ang tubig mula sa poso o balon, siguruhing ito ay ligtas at hindi pinagmumulan ng kontaminasyon.
Mahalagang subukan at subaybayan ang kontaminasyon upang maiwasan din ang paglagap ng biofilm. Ito ay resulta ng mga bacteria o fungi na magkakasamang nabubuhay sa mga linya ng tubig.
Sa pangangalaga ng mga baboy, ang wastong pagpili ng disinfectant ay mahalaga. Ang malinis at disinfected na tirahan ay nakakatulong sa pag-iwas ng mga sakit, lalo na sa malamig at maulan na panahon.
Subalit, ang pagpili ay dapat base sa mga kadalasang sakit na nakukuha nila sa farm at uri ng materyales na ginamit sa pagbuo ng kulungan. P’wede ka ring magtanong sa beterinaryo para mas magabayan ka sa pagpili.
May debate ukol sa pag-rotate ng disinfectant, at ito ay dapat balansehin depende sa pangangailangan ng iyong farm. Palaging sundin ang mga tagubilin ng manufacturer at siguruhing malinis ang lahat ng bahagi ng barn bago gumamit ng disinfectant.
Ang paglilinis ng tirahan ng baboy ay isa sa mga mahahalagang hakbang sa pangangalaga nito. Maaaring magdulot ng malubhang problema kung mali ang paraan ng iyong paglilinis.
Dapat mong sundin ang tamang proseso, tulad ng pagsasa-ayos ng koral at pagsunod sa mga biosecurity measures. Ito ay upang mapanatili ang malinis at ligtas na tirahan ng baboy. Halimbawa, huwag hayaang napapaligiran ng dumi ang bawat sulok ng kanilang kulungan. Ito’y dahil maaari itong mahalo sa kanilang tubigan o pagkain, at sila’y makontamina.
Isa sa mga sanitation tips sa tirahan ng baboy ay ang pagsigurado na walang mga sira ang bawat sulok nito upang maiwasan ang mga hindi magagandang suliranin.
Ang mga napabayaang sira sa kulungan nila ay maaaring pagmulan ng iba’t-ibang problema, tulad ng pagpasok ng mga insekto o mga ibang peste. Kaya’t importanteng ugaliin ang pag-iinspeksyon ng pader, pintuan, bintana, at mga bubong.
Maliban sa pagdi-disinfect ng kanilang kulungan, ‘wag kakaligtaan na gawin din ito sa mga kagamitan nila. Ito ay ang mga timba, pinggan, o kahit mga lalagyan ng kanilang feeds.
Ang mga ito ay regular na ginagamit kaya kailangan mo itong hugasan nang masinsinan dahil mas mabilis itong kapitan ng mga mikrobyo.
Ang malinis na tirahan ng ating mga alagang baboy ay isang pamamaraan upang sila ay maprotektahan. Bagama’t simple ang mga hakbang na ito laban sa iba’t-ibang uri ng sakit ng ating mga alagang baboy, may mga pagkakataon na ito’y ating nakakalimutang gawin. Kaya naman siguruhing nagagawa mo ang iyong tungkulin bilang isang responsableng tagapag-alaga nila.
Para sa inyong mga katanungan tungkol sa iba pang mga tips sa pag-aalaga sa mga baboy o mga tanong tungkol sa mga epektibong gamot, maaari kayong mag-iwan ng mensahe sa aming website sa First Fil-Bio.
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More02/20/2024
Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…
Read More02/16/2024
Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…
Read More