Paano Alagaan ang Baboy

07/15/2023

Paano Alagaan ang Baboy

Paano mo dapat alagaan ang mga baboy?

  1. Pakainin sila nang masustansiyang pagkain na angkop sa kanilang edad
  2. Siguruhing sila ay madalas na nag-eehersisyo
  3. Ikulong sila sa lugar na may sapat na temperatura at hangin
  4. Magbigay nang tamang espasyo sa bawat baboy
  5. Ipasuri sa beterinaryo upang mabigyan ng vitamins at bakuna

Ang pag-aalaga ng mg baboy ay isang mahalagang gawain upang mapanatili silang malusog at makaiwas sa anumang sakit. Sa tamang pag-aalaga, tulad nang pagbibigay ng gamot, pagpapakain nang masustansiyang pagkain, pagbibigay sa kanila nang malinis na inumin, paglalagay sa kanila sa malinis at maayos na lugar, makakasiguro kang lalaki sila nang maayos.

Sa blog na ito, ibabahagi namin sa inyo kung paano alagaan ang mga baboy. Ito’y makakatulong upang maging maalam at maingat sa pag-aalaga sa kanila. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Pakainin Sila nang Masustansiyang Pagkain na Angkop sa Kanilang Edad

Gaya ng ibang hayop, hindi madali ang pag-aalaga ng mga baboy dahil kailangan nila nang matagalang alaga at pagmamahal. Kailangan nila nang masustansiyang pagkain upang masigurong sila’y lalaki nang naaayon sa kanilang edad at lahi.

Hindi mo dapat sila pakainin ng mga tira-tirang pagkain, tulad ng karne, buto, mga lamang-loob ng karne o isda, o iba pang bahagi ng hayop. Hindi mo rin sila dapat pakainin nang mga mamantikang pagkain, kahit na walang karne o produktong gawa sa karne rito.

Maliban sa pagkain, siguruhin mong may sapat at malinis din silang inumin. Huwag mong lalagyan ng yelo o anumang kemikal ang kanilang inumin dahil hindi ito makakabuti sa kanila, kahit panahon pa ito ng tag-init.

Ang mga lalagyanan ng kanilang mga pagkain at inumin ay dapat mong linisin upang hindi magkaroon ng bacteria o anumang mikrobyo na magdadala ng sakit sa kanila.

Siguruhing Sila ay Madalas na Nag-eehersisyo

Siguruhing Sila ay Madalas na Nag-eehersisyo

Ang mga baboy ay parang mga tao rin. Kailangan nila nang sapat at regular na ehersisyo upang hindi sila tumaba nang husto o magkasakit dahil sa pagkabara ng tiyan sanhi nang labis na pagkain. Makakatulong din ito upang hindi masyadong humaba ang kanilang mga paa.

Bilang isang taga-alaga ng mga baboy, tiyakin mong nag-eehersisyo sila upang maging wasto ang kanilang timbang at maiwasan ang mga sumusunod:

  • Panunuyo ng balat
  • Arthritis, lalo na sa mga matatandang baboy
  • Pagkakaroon ng inverted na mga mata

Higit pa rito, palagi kang makipag-ugnayan sa isang beterinaryo upang gabayan ka tungkol sa kalusugan ng iyong mga alagang baboy.

Ikulong Sila sa Lugar na May Sapat na Temperatura at Hangin

Hindi kinakailangang palakihin ang mga baboy sa loob ng iyong bahay. Dapat silang lumaki sa isang lugar na may malinis na kapaligiran, may katamtamang init at lamig, at may sapat na hangin upang sila’y makahinga nang maayos.

Kung nais mo silang palakihin at alagaan sa sementadong lugar, hindi sila mae-expose masyado sa mga parasites na madalas makikita sa mga putikan. Ngunit, maaari itong maging sanhi ng arthritis. Kaya naman maglaan ka ng kulungan para sa kanila na may bubong laban sa araw at proteksiyon sa hangin at malakas na ulan

Tuwing tag-araw, ang mga baboy ay naiirita dahil sa init, lalo na kung hindi sila palaging pinapaliguan. Importanteng mayroong paliguan sa kanilang kulungan upang sila’y maging presko at malinis ang katawan.

Magbigay nang Tamang Espasyo sa Bawat Baboy

Magbigay nang Tamang Espasyo sa Bawat Baboy

Ang mga baboy ay kinakailangan ng sapat na espasyo depende sa kanilang laki at edad. Halimbawa, ang isang inahing baboy na malapit nang manganak ay kailangan ng isang kahon upang doon ilagay ang kaniyang mga piglets, at maiwasang maupuan ang mga ito.

Sa oras na lumaki na ang mga piglets, kailangan mo nang sukatin ang espasyong kailangan nila. 3 sq. ft. ang espasyong kailangan ng piglet na may timbang na 30-40 kilo. Mula sa 40 hanggang sa timbang ng katawan, dagdagan ang espasyo sa 4 sq. ft. Kung umabot na ang kanilang timbang sa 150 kilo, 6-8 sq. ft. ang magiging espasyo nila.

Kaya naman mainam kung maglalaan ka ng maraming espasyo para sa bawat baboy upang maiwasan ang anumang insidente, tulad nang pag-aaway at pangangagat. Ngunit, tandaan na ang mga baboy ay sanay na may kasama sa kanilang kulungan kaya maaari mong gawin ang dala-dalawang baboy kada espasyo.

Ipasuri sa Beterinaryo upang Mabigyan ng Vitamins at Bakuna

Sa huli, dapat mong pabakunahan ang iyong mga alagang baboy laban sa mga sakit, tulad ng Erysipelas (tuwing anim na buwan), Parvovirus, Escherichia coli, Clostridial infection, at iba’t ibang parasitic agents tulad ng mange, lungworm, at kuto.

Magandang gawin ang paggamot sa kanila laban sa mga bulate hanggang sila’y umabot na ng 150 pounds. Ang pagde-deworm din sa kanila ay makakatulong upang manatili ang malusog nilang paglaki.

Ang beterinaryo, tulad ng First Fil-Bio I/E Corporation, ay kaya kang tulungan upang magamot, maalagaan, at maging malusog ang iyong mga alagaang baboy.

Key Takeaway

Ang mga tips na ito tungkol sa kung paano ba dapat alagaan ang mga baboy ay makakatulong upang maalagaan mo sila nang maayos, mapanatili ang kanilang kalusugan, at makaiwas sa sakit. Bilang resulta, magiging maayos ang kanilang pamumuhay at makakatulong ito sa iyong pangkabuhayan.

Ang First Fil-Bio I/E Corporation ay nagbibibigay-serbisyo sa industriya ng baboy sa pamamagitan ng mga high-quality at maaasahang produkto, bakuna, at treatments upang maging malusog ang mga baboy habang sila’y tumatanda. Para sa iba pang katanungan, mag-iwan ng mensahe sa amin dito.

Share on

MORE BLOGS

Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease

02/22/2024

Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…

Read More

Paraan nang Paglilinis para sa Pag-iwas sa Marek’s Disease

02/20/2024

Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…

Read More

Paano Pangasiwaan ang Egg Drop Syndrome sa mga Manok

02/16/2024

Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…

Read More