Paano Alagaan ang Manok

11/08/2023

Paano Alagaan ang Manok

Paano alagaan ang manok para sa mas matagumpay na produksyon?

  1. Panatilihin ang kalinisan ng kanilang kulungan
  2. Magbigay ng sapat na tirahan
  3. Magbigay ng tamang nutrisyon
  4. Siguruhing maayos ang bentilasyon ng kanilang tirahan
  5. Maglagay ng pugad para sa itlog
  6. Alagaan ang produksyon ng itlog

Overview

Narito ang mga hakbang para sa tamang pangangalaga ng manok, mula sa kalinisan ng kanilang kulungan hanggang sa pag-aalaga ng kanilang produksyon.
Ang mga manok na naaalagaan nang tama ay mananatiling malusog at produktibo, naglalabas ng sariwang itlog para sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang pag-aalaga ng manok ay hindi lamang para sa kita, kundi nagbibigay rin ng sustansya para sa ating lipunan.

Hindi bago ang pag-aalaga ng manok sa Pilipinas. Sa katunayan, ito ay isa sa mga pinakakaraniwang gawain ng mga Pilipino. Ito’y dahil ang pag-aalaga ng manok ay hindi lamang upang magkaroon ng kita — ito’y bahagi na rin ng ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang itlog at karne na nagmumula rito ay nagdadala ng pagkain at hanapbuhay sa atin. Kaya’t narito ang walong hakbang para matutunan mo kung paano alagaan ang manok nang maayos.

Panatilihin ang Kalinisan ng Kanilang Kulungan

Panatilihin ang kalinisan ng kanilang kulungan

Ang kalinisan ay pangunahing bahagi ng pag-aalaga ng mga manok. Ang regular na paglilinis ng kanilang kulungan ay nagbibigay-proteksyon sa kanila laban sa mga nakakasamang mikrobyo at parasites. Kapag hindi naaalagaan ang kalinisan, maaaring magdulot ito ng seryosong problema sa kalusugan ng iyong mga manok.

Kung hindi mo lilinisin ang kanilang kulungan, ang kanilang mga paa’y magkakaroon ng dumi, na maaaring magdulot ng impeksyon. Upang mapanatili ang kanilang kalusugan, maglaan ka ng oras para sa paglilinis ng kanilang tahanan.

Magbigay ng Sapat na Tirahan

Sa pag-aalaga ng manok, importanteng tiyakin na ang kanilang tirahan ay ligtas at komportable. Ito ay kung saan nagsisimula at natatapos ang kanilang araw at nakikihalubilo sa kapwa nila manok. Kung kaya’t ang pagkakaroon ng maayos na tirahan ay makakatulong upang makapagpahinga sila nang sapat at maging produktibo.

Halimbawa, ang kulungan nila’y dapat gawa sa bakal, kahoy, o semento upang masigurong matibay ito. Siguruhin ding matibay ang pagkakagawa rito. Ito’y upang maiwasan ang pagkawala o kanilang pagkamatay kung may ibang hayop na biglang umatake sa kanilang tirahan.

Magbigay ng Tamang Nutrisyon

Ang mga manok ay katulad natin na nangangailangan ng tamang nutrisyon upang mapanatili ang kanilang kalusugan. Pakainin mo sila ng mga high-quality pellets upang tuloy-tuloy lamang ang nutrisyon na natatanggap ng kanilang katawan.

Sa kaso naman ng mga broilers, ang mga high-protein broiler feeds ay mahalaga upang maging mabilis ang kanilang paglago. Hindi rin dapat kalimutan ang tubig. Laging dapat mayroon silang malinis at sariwang tubig na p’wedeng inumin.

Siguruhing Maayos ang Bentilasyon ng Kanilang Tirahan

Siguruhing maayos ang bentilasyon ng kanilang tirahan

Ang magandang bentilasyon ay mahalaga upang mapanatili ang magandang kalidad ng hangin sa kanilang kulungan. Kung hindi maayos ang sirkulasyon ng hangin, maaari itong magbigay ng humidity sa kanilang tirahan, na magiging sanhi ng problema sa kalusugan, lalo na sa kanilang mga baga.

Kung mainit naman ang panahon, buksan mo ang bintana ng kanilang kulungan upang makalanghap sila ng sariwang hangin. Ito’y makakatulong din upang maging komportable ang kanilang pakiramdam.

Maglagay ng Pugad para sa Itlog

Kung nais mong magkaroon ng regular na supply ng sariwang itlog mula sa iyong mga alagang manok, importanteng maglaan ka ng mga nesting boxes na may malambot na bedding. Ang mga ito ay magsisilbing lugar kung saan ang mga manok ay komportableng naghuhulog ng kanilang mga itlog.

Maaaring gamitin ang mga ito upang mapanatili ang kalidad at kalinisan ng mga itlog. Kung walang maayos na pugad, maaaring magtanim ang mga manok sa iba’t-ibang lugar na hindi natin alam, kaya’t mas mataas ang panganib na ang mga itlog ay madumihan o masira.

Alagaan ang Produksyon ng Itlog

Mahalaga rin ang wastong pangangasiwa ng produksyon ng itlog ng iyong mga manok. Ang pag-iingat sa prosesong ito ay nakakabawas sa panganib nang pagkakasira nito, na nakakatulong upang masigurong may kalidad ang mga itlog.

Kung hindi mo ito gagawin nang maayos, maaari itong mabasag o magkaroon ng crack, na maaaring magdulot ng mga bacteria, kontaminasyon, o pagkasira ng itlog.

Key Takeaway

Ang tamang pag-aalaga ng manok ay hindi lamang para sa kita, kundi para rin ito sa kalusugan ng ating mga alaga. Ang mga simpleng hakbang na ito ay nagbibigay ng kasiguraduhan upang maging matagumpay ka sa kung paano mo alagaan ang iyong mga manok, na makakatulong upang maalagaan at mapalago sila.

Sa pag-aalaga ng iyong mga manok, maaari kayong maging mas epektibo gamit ang mga produkto at serbisyo mula sa First Fil-Bio. Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin para sa mga pangangailangan ng inyong mga manok, mula sa kalusugan hanggang sa produksyon ng itlog.

Share on

MORE BLOGS

Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease

02/22/2024

Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…

Read More

Paraan nang Paglilinis para sa Pag-iwas sa Marek’s Disease

02/20/2024

Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…

Read More

Paano Pangasiwaan ang Egg Drop Syndrome sa mga Manok

02/16/2024

Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…

Read More