Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More12/06/2023
Overview
- Ang bird flu ay isang influenza virus na maaaring magdulot ng sakit sa mga manok at iba pang hayop.
- Ang mga manok ay maaaring mahawa ng bird flu sa pamamagitan ng direktang contact sa mga hayop na may sakit, kontaminadong mga lugar, o airborne transmission sa loob ng limitadong distansya.
- Ang mga ibon sa tubig, lalo na ang mga bibe, ay itinuturing na carriers din ng avian influenza type A viruses. Ang mga virus ay dala sa kanilang bituka at kumakalat sa kapaligiran sa pamamagitan ng dumi.
Ang Avian Influenza, o mas kilala sa tawag na Bird Flu, ay isang malubhang sakit na maaaring magdulot hindi lamang ng pinsala sa kalusugan at populasyon ng mga manok. Ang pagkakaroon ng outbreak nito ay p’wedeng humantong sa pagbaba ng supply ng itlog at karne ng mga manok.
Ang pagsusuri sa paraan kung paano kumakalat ang bird flu sa mga manok ay isang hakbang upang maiwasan ang paglaganap nito. Mahalaga ang pagpapatupad ng mga biosecurity measures at maagap na pagsugpo sa mga apektadong manok upang mapanatili ang kanilang kalusugan.
Ang bird flu, o Avian Influenza, ay isang uri ng influenza virus na nagdudulot nang malubhang sakit sa mga manok at iba pang hayop. Kapag ito’y tumama sa mga manok, magkakaroon sila ng mga sintomas, tulad ng pagtatae, kahirapan sa paghinga, pamamaga ng ulo o leeg, pag-ubo, at panghihina ng katawan. Ang mas masamang kaso nito ay maaaring magresulta sa pagkamatay sa loob ng maikling panahon.
Ang bird flu ay hindi lamang isang panganib sa kalusugan ng manok kundi pati na rin sa kalusugan ng tao. Bagamat wala pang malinaw na ebidensya na ito ay maaaring kumalat mula sa tao papunta sa ibang tao, p’wede pa rin itong magdulot ng pagkakasakit sa mga taong malapit sa mga apektadong manok.
Ang Avian Influenza ay nahahati sa dalawang pangunahing kategorya. Narito ang pagkakaiba at epekto ng bawat uri:
Ang mga low pathogenic avian influenza viruses ay nagdudulot ng mga banayad na sintomas o walang anumang senyales ng sakit sa mga manok, tulad ng pagkakaroon ng magulong mga balahibo at pagbaba ng produksyon ng itlog. Ito ay itinuturing na low pathogenic.
Ang mga highly pathogenic avian influenza viruses naman ay nagdudulot ng malubhang sakit at mataas na porsiyentong pagkamatay sa mga naapektuhang manok. Ilan lamang sa mga avian influenza viruses ang itinuturing na HPAI A viruses.
Ang mga manok ay maaaring mahawa ng bird flu sa pamamagitan ng direktang contact sa mga hayop na may sakit, tulad ng mga pato o bibe, o sa mga kontaminadong lugar. Ang mga virus na ito ay dala ng mga ibon sa kanilang bituka at maaaring kumalat sa kapaligiran sa pamamagitan ng kanilang mga dumi, balahibo, sipon, o laway.
Ang bird flu ay maaaring kumalat sa pagitan ng mga manok kapag hindi sinusunod ang mga biosecurity practices, partikular na sa paglipat ng mga may sakit na manok o ang pagdapo ng kontaminadong dumi at respiratory secretions sa iba’t-ibang kagamitan o kasuotan. Maari din itong maging airborne at kumalat sa pagitan ng mga manok sa loob ng limitadong distansya.
Ang bird flu ay naipapasa mula sa mga ibon patungo sa tao, lalo na sa mga taong malapit sa mga manok o iba pang ibon. Bagamat wala pang tiyak na ebidensya na ito ay maaaring makuha mula sa tao patungo sa ibang tao, maaari itong mangyari sa ilang kaso, partikular na kung ang isang tao ay nag-aalaga ng isang may sakit na miyembro ng pamilya.
Ang maagap na pagsusuri at pagtuklas ng bird flu ay may kahalagahan sa pagkontrol nang pagkalat ito. Mahalaga ang palaging pagmo-monitor sa kalusugan ng mga manok upang mabilis na matuklasan ng beterinaryo ang anumang sintomas ng sakit nila. Sa pamamagitan ng agarang pagtukoy at pagsiwalat sa mga apektadong manok, magagampanan natin ang pangangailangang maiwasan ang mas malawakang pagkalat ng nasabing virus.
Dagdag pa, sa pamamagitan ng wastong nutrisyon at iba pang preventive measures, maaari nating mapanatili ang kalusugan ng manok at maiwasan ang paglitaw ng sakit. Maiiwasan rin ang bird flu sa pamamagitan ng tamang mga hakbang sa pangangalaga at paggamot.
Mahalaga ang kaalaman sa mga paraan kung paano kumakalat ang bird flu sa mga manok upang masiguro ang kanilang kalusugan at kaligtasan. Ang pagiging maagap at maalalahanin sa pangangalaga ng mga manok ay mahalaga upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Para sa pinakamahusay na proteksyon laban sa bird flu at iba pang sakit ng manok, konsultahin ang mga eksperto mula sa First Fil-Bio. Ipadala ang inyong mga katanungan o bisitahin ang aming website para sa karagdagang impormasyon. Sa First Fil-Bio, We Serve to Heal ang aming pangako para sa malusog na manukan ng mga Pilipino.
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More02/20/2024
Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…
Read More02/16/2024
Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…
Read More