Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More08/02/2023
Ang pag-aalaga ng mga manok ay isang mahalagang responsibilidad na kinakailangan ng tamang kaalaman, dedikasyon, at pagmamahal. Ang malusog na manok ay hindi lamang nagbubunga ng mas mataas na produktibidad kundi nagbibigay din ng katiwasayan at sigla sa mga nag-aalaga nito. Gayunpaman, sila ay madalas na nakakaranas ng mga sakit na maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan.
Sa ganitong konteksto, aalamin natin ang mga hakbang kung paano makakaiwas ang manok sa sakit. Nilalayon din namin na makapagbigay ng mga gabay at impormasyon ukol sa mga hakbang na dapat sundin upang maiwasan ang mga karaniwan nilang sakit.
Ang tamang nutrisyon ay mahalaga sa pag-aalaga ng manok. Kailangan nila ng balanseng pagkain na mayaman sa protina, bitamina, at mineral upang mapanatili ang kanilang malakas na resistensya laban sa mga sakit na p’wedeng dumapo sa kanila. Tiyaking ang kanilang pagkain ay laging sariwa at malinis. Bukod dito, mahalaga rin na may sapat silang malinis na tubig upang maiwasan ang dehydration.
Ito ay isa sa mga pinakamahalagang dapat mong matutunan, lalo na sa mga bago pa lang sa pag-aalaga ng mga manok. Huwag silang tipirin sa pagkain, tubig, at mga gamot na dapat nilang inumin upang sila’y makaiwas sa anumang sakit.
Ang pagbabakuna ay isa sa mga pangunahing paraan upang mapanatili ang kalusugan ng mga manok. Tiyaking ikaw ay sumusunod sa tamang iskedyul ng pagbabakuna, kagaya ng mga bakuna laban sa Newcastle disease, avian influenza, at iba pang mga nakahahawang sakit.
Ito ay nagbibigay ng proteksiyon sa kanila laban sa mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang epekto sa kanilang kalusugan.
Ang biosecurity ay tumutukoy sa mga hakbang na ginagawa upang maiwasan ang pagpasok, pagkalat, at epekto ng mga bacteria o sakit na maaaring makaapekto sa mga hayop, tulad ng mga manok. Ito ay mahalaga upang makaiwas sila sa mga sakit. Narito ang maaring ninyong gawin:
Malaking tulong ang pagpapanatili ng isang kapaligiran na malinis at may istriktong pamamaraan na sinusunod upang mas mabilis matugunan ang mga manok na may dinadalang karamdaman.
Ang malinis at maayos na kulungan ay mahalaga para sa kalusugan ng mga manok. Alam naming mahirap para sa mga nag-aalaga ng manok na malaman na ang manok ay may sakit. Dahil, tulad nating mga tao, may iba’t-ibang sintomas silang pinapakita.
Ngunit, isang mahalagang hakbang at paraan ay ang regular na paglilinis ng kanilang kulungan, pagpapalit ng kanilang bedding, at tiyaking ang mga kagamitan sa loob ay laging malinis.
Mahalaga ang regular na pagma-manman sa kalusugan ng iyong mga manok. Obserbahan ang kanilang pag-uugali at hitsura. Kung may nakita kang mga sintomas ng sakit, tulad ng pagkahina, pagkawala ng gana kumain, o di kaya’y pagsusuka, agad na kumunsulta sa isang beterinaryo upang masuri ang kanilang kalagayan at mabigyan ng tamang lunas.
Ating napag-usapan ang mga hakbang kung paano makakaiwas ang manok sa sakit. Sa pamamagitan nang pag-unawa at pagsunod sa mga impormasyong ito, mas maiibsan ang mga hamon na kaakibat nang pag-aalaga ng mga manok, at mas maiiwasan din ang paglaganap ng mga sakit na maaaring magdulot ng panganib sa kanilang kalusugan at iyong negosyo.
Upang mapanatili ang kalusugan at produktibidad ng iyong mga manok, mainam na makipag-partner ka sa isang subok at mapagkakatiwalaang beterinaryo sa Pilipinas. First Fil Bio ay isa sa mga nangungunang kompanya ng mga beterinaryo sa Pilipinas, matutugunan namin ang inyong mga pangangailangan sa pagbantay sa kalusugan ng inyong mga alagang hayop.
Kami ay nagsusumikap din na magbigay ng mga espesyalisadong solusyon upang mapanatiling masigla ang inyong mga manok. Para sa iba pang impormasyon, maaari kang mag-iwan ng mensahe rito.
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More02/20/2024
Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…
Read More02/16/2024
Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…
Read More