Mga Palatandaan Na May Sakit ang Baboy

06/28/2023

Mga Palatandaan Na May Sakit ang Baboy

Ano-ano ang mga palatandaan na may sakit ang baboy?

  1. Kawalang-ganang kumain
  2. Pagbabago ng mood
  3. Pag-iisa
  4. Nahihirapang huminga
  5. Nahihirapang maglakad o tumayo
  6. Pagbabago ng hitsura

Sa pag-aalaga ng baboy, mahalagang malaman ang mga palatandaan na maaaring magpahiwatig kung ito’y may sakit. Makakatulong ito upang agad mong maagapan ang kanilang sakit bago pa ito lumala o humantong sa pagkamatay.

Ngunit paano nga ba natin malalaman ang palatandaan na may sakit ang baboy? Sa blog na ito, ating pag-uusapan ang mga ito upang ikaw ay matuto at mas maalagaan pa ang iyong mga baboy laban sa anumang sakit.

Kawalang-Ganang Kumain

Isa sa mga kapansin-pansin na pag-uugali ng baboy ay kapag bigla itong nawalan nang ganang kumain. Ito’y dahil ang mga baboy ay likas na malakas kumain kaya’t kung bigla silang naging mahina o hindi interesado sa pagkain, ito’y senyales na may masama silang nararamdaman.

Narito ang ilan sa mga sanhi:

  • Impeksiyon – maaaring ang baboy ay mayroong impeksiyon sa kaniyang respiratory, gastrointestinal, o urinary tract, na dahilan kung bakit wala siyang ganang kumain.
  • Mga parasites – tulad ng ibang hayop, ang mga baboy ay maaari ring magkaroon ng mga roundworms, tapeworms, hookworms, at iba pang parasites sa kanilang tiyan na dahilan upang mawalan sila nang ganang kumain.
  • Kakulangan sa nutrisyon – ang mga baboy ay kailangan ng balanced diet upang sila’y maging malusog. Kung hindi nila ito makukuha, maaari silang mawalan nang ganang kumain.
  • Stress – tulad nating mga tao, ang mga baboy ay sensitibo rin at nai-stress lalo na kung sila’y nasa bagong kapaligiran. Dahil dito, apektado rin ang kanilang pagkain.

Kaya naman kung napapansin mong hindi masyado kumakain ang iyong baboy, maaring isa sa mga ito ang dahilan kung bakit wala silang ganang kumain.

Pagbabago ng Mood

Ang mga baboy ay likas na maliliksi sa kani-kanilang mga tirahan. Kaya naman kung napapansin mong nagbabago ang kanilang mood na nakakaapekto hindi lamang sa kanila kundi pati sa iyong paligid, ito’y pahiwatig na silang mayroong sakit.

Ilan sa mga mapapansin mong pagbabago ng kanilang mood ay ang maraming oras nilang paghiga imbes na maging aktibo, kawalan ng interes sa pag-inom ng tubig, pag-iyak o pag-ungol nang malakas, pagiging mahiyain o sobrang agresibo, hindi mapakali, at ang paglalakad-lakad sa paligid ng kanilang kulungan.

Pag-Iisa

Pag-Iisa

Kilala ang mga baboy sa pagiging malakas at pakikipag-socialize sa kapwa nito mga baboy. May mga pagkakataon din na kung mayroon kang iisang baboy, ito’y lumalapit sa ibang hayop tulad ng pato. Parte ito sa nature ng mga baboy para makipag-ugnayan sa ibang hayop.

Kaya kung bigla mong napapansin na humihiwalay ito sa ibang mga baboy o hayop, walang interes na makisama, o nagtatago, maaaring ito’y may sakit na kailangang maagapan sa lalong madaling panahon.

Nahihirapang Huminga

Ang mga baboy na walang sakit ay mayroong maginhawang daloy nang paghinga. Ito’y nagpapakita na sila’y may magandang kalusugan. Ngunit, kung sila’y ay inuubo, hinihingal, o humihinga nang malalim, ito’y palatandaan na hindi kaaya-aya ang kanilang kalusugan.

Ito’y dahil apektado ang kanilang respiratory system kung kaya dapat mong pagtuunan ng pansin ito at alamin kung may impeksiyon ba sila sa baga, problema sa paghinga, o iba pang sakit na dahilan kung bakit sila nahihirapang huminga.

Nahihirapang Maglakad o Tumayo

Alam natin na ang mga baboy ay malalakas at kayang-kayang tumakbo sa loob ng kanilang tirahan. Kaya naman kataka-taka kung bigla silang nahihirapang gumagalaw dahil hindi sila makatayo o makalakad nang maayos.

Upang malaman kung bakit, narito ang mga dahilan nang kahirapan nila sa paglalakad o pagtayo:

  • Arthritis – ito ay ang pagsakit ng kasu-kasuan na nagiging sanhi kung bakit nahihirapan sa paglalakad o pagtayo ang mga baboy.
  • Rabies – ito’y isang viral na impeksiyon na nagbibigay-problema sa kalusugan ng mga baboy, kung kaya’t nahihirapan silang maglakad o tumayo.
  • E coli – ito ay isang uri ng bacteria kung saan nagdudulot nang pagtatae at pagsusuka ng baboy.
  • Metabolic disease – ang mga metabolic disease tulad ng ketosis at hypoglycemia ay maaaring magdulot nang kahinaan at pamamaga ng mga kalamnan ng baboy, na maaaring dahilan kung bakit nahihirapan silang maglakad o tumayo.

Pagbabago ng Hitsura

Pagbabago ng Hitsura

Panghuli, ang mga baboy ay may matabang katawan, maiikling binti, at kumakain ng halos lahat ng uri ng pagkain. Sila’y may makapal na balat at may kaunti at maiiksing balahibo. Ngunit kahit sila’y malulusog, hindi pa rin sila nakakaiwas sa mga sakit. Sa katunayan, ang pagbabago ng kanilang hitsura ay senyales na may masama silang nararamdaman.

Narito ang ilan sa mga senyales na nagbabago ang kanilang hitsura:

  • Pagkabawas ng timbang – ang mga baboy ay likas na mabibigat at matataba. Kaya naman ang unang senyales na may pagbabago sa kanilang hitsura ay kapag bumawas ang kanilang timbang, kahit kumakain pa rin sila, na ibig sabihin ay sila’y may sakit.
  • Pagbabago ng mga balahibo o balat – ang mga baboy na may sakit ay mayroong magaspang o tuyong balahibo o balat, at maaari rin silang magkaroon ng mga sugat.
  • Pagbabago ng kulay sa mga mata – kapag ang mga mata ng mga baboy ay malabnaw o maulap, senyales ito na may ubo sila.

Maliban pa rito, mapapansin mo rin ang pagbabago sa kanilang ilong o bibig. Ang mga baboy na sinisipon o may malaway na bibig ay senyales na masama ang kanilang pakiramdam.

Key Takeaway

Sa pamamagitan nang pagtukoy sa mga palatandaan na may sakit ang baboy, makakatulong ito upang malaman kaagad na may sakit silang nararamdaman at maagapan agad sa lalong madaling panahon. Sa ganitong paraan, maiiwasang mahawa ang ibang baboy at lumala pa ang sitwasyon. At upang gumaling sila, mainam na dalhin agad sila sa beterinaryo o espesyalista upang sila’y magamot.

Kung may sakit ang iyong baboy at nais mong ibalik ang malusog nitong resistensiya, narito ang First Fil-Bio na handang tumulong sa paggamot at pagbibigay ng angkop na bakuna para sa mga baboy na may sakit. Makipag-ugnayan lamang sa amin dito!

Share on

MORE BLOGS

Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease

02/22/2024

Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…

Read More

Paraan nang Paglilinis para sa Pag-iwas sa Marek’s Disease

02/20/2024

Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…

Read More

Paano Pangasiwaan ang Egg Drop Syndrome sa mga Manok

02/16/2024

Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…

Read More