Mga Senyales na May Mababang Nutrisyon ang Manok

11/15/2023

Mga Senyales na May Mababang Nutrisyon ang Manok

Ano-ano ang mga senyales na nagpapahiwati na may mababang nutrisyon ang manok?

  1. Madalas nagkakasakit
  2. Walang ganang kumain
  3. Pagbaba ng timbang
  4. Mababang produksyon ng itlog
  5. Pagkalamlam o panghihina
  6. Mabagal na paglago ng balahibo
  7. Abnormal na kulay ng mata, tuka, at mga paa

Overview

Mahalaga ang tamang nutrisyon para sa mga manok upang mapanatili ang kalusugan at produktibidad nila.
Mga senyales ng mababang nutrisyon sa mga manok ay kasama ang madalas na pagkakasakit, kawalan ng ganang kumain, pagbaba ng timbang, mababang produksyon ng itlog, pagkalamlam, mabagal na paglago ng balahibo, at abnormal na kulay ng mata, tuka, at mga paa.
Upang maiwasan ito, mahalagang mag-alaga ng maayos, magbigay ng tamang vitamins at supplements, at siguruhing nakakakain sila ng sapat at balanseng pagkain.

Sa pag-usad ng panahon, isang mahalagang bahagi ang pagbibigay ng sapat at tamang nutrisyon sa ating mga alagang manok. Ito ay nagbibigay ng sustansiya na kanilang kailangan upang mapanatili ang kanilang magandang resistensiya laban sa mga sakit.

Ito rin ay nagbibigay ng magandang kalidad sa kanilang itlog, na nagbibigay sa atin ng pagkain. Ngayon, alamin natin ang mga senyales na may mababang nutrisyon ang mga manok, at kung paano ito maiiwasan upang sila’y maging malusog.

Madalas Nagkakasakit

Isa sa mga pangunahing senyales na may mababang nutrisyon ang manok ay ang madalas nitong pagkakaroon ng sakit. Ito ay nagreresulta ng iba’t-ibang karamdaman, tulad ng respiratory infection at gastrointestinal tract issue.

Maaaring makatulong ang mga proactive measures tulad ng regular na pag-aalaga at pagbibigay ng tamang supplements para maiwasan ang madalas na pagkakasakit.

Walang Ganang Kumain

Isa ring malinaw na senyales ay ang kawalan nila nang gana sa pagkain. Ito ay maaaring maipakita sa pamamagitan ng pag-ayaw ng manok na kumain o kaya kung napapansin mong kaunti lamang ang kanilang kinakain.

Para maiwasan ang ganitong problema, mahalagang i-monitor mo kung inuubos nila ang kanilang pagkain. Dapat mo ring tiyakin na sariwa at malinis ang kanilang pagkain upang ganahan silang kumain.

Pagbaba ng Timbang

Pagbaba ng timbang

Ang timbang ng manok ay malaking bahagi ng kanilang kalusugan. Kaya naman kung biglang bumaba ang kanilang timbang, ito’y maaaring sanhi ng iba’t-ibang sakit, tulad ng parasitic infestation, sakit sa bituka, nutritional deficiencies, sakit sa baga, o stress. Dahil dito, hindi tinatanggap ng kanilang katawan ang anumang sustansiya.

Bilang tugon dito, suriin mo nang mabuti ang kanilang timbang gamit ang weighing scale upang malaman mo kung patuloy itong bumababa.

Mababang Produksyon ng Itlog

Ang mababang produksyon ng itlog ay maaaring epekto ng stress o hormonal imbalances dahil sa mababang kalidad ng kanilang pagkain. Bilang resulta, naaapektuhan ang kanilang produksyon na nagkakaroon din ng epekto sa iyong pamumuhay o negosyo.

Para mapanatili ang maayos na produksyon, siguruhing kumakain sila ng sapat at balanseng pagkain na may protina, bitamina, at mineral. Maaari ka ring humingi ng tulong sa isang eksperto upang matignan ang kalagayan ng iyong manok.

Pagkalamlam o Panghihina

Ang malusog na manok ay may magandang kalagayan ng katawan at aktibo. Subalit, ang pagkakaroon ng pagkalamlam ay maaaring magdulot ng kahinaan at makakaapekto sa kanilang pangkalahatang kalusugan.

Upang mabawasan ang pagkalamlam o kahinaan, tiyakin na nakakakatanggap sila ng sapat na enerhiya at sustansya. Maaari rin silang magkaruon ng regular na pagsusuri sa kanilang kalusugan para agadang tugunan ang anumang problema.

Mabagal na Paglago ng Balahibo

Mabagal na paglago ng balahibo

Ang manok na may makapal at makintab na balahibo ay senyales na ito’y malusog at may tamang nutrsiyon. Ngunit, kung mabagal ang paglago ng mga balahibo nito, ibig sabihin ay hindi sapat ang sustansyang natatanggap ng katawan nito.

Para mapanatili ang magandang kalagayan ng balahibo, panatilihin ang tamang temperatura, bentilasyon, at kalinisan sa paligid ng kanilang tirahan. Ito’y dahil ang mainit na temperatura o mausok na kapaligiran ay maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan.

Abnormal na Kulay ng Mata, Tuka, at Mga Paa

Ang normal na kulay ng mata, tuka, at mga paa ay nagpapahiwatig ng magandang kalusugan ng manok. Ang anumang pagbabago sa mga ito ay nagpapahiwatig na kailangan nila ng sustansya, bitamina, at mineral sa katawan.

Para mapanatili ang normal na kulay, pakainin mo sila ng mga pagkain gaya ng feeds, mais, kalabasa, carrots, at insect proteins. Mahalaga ang pagpili ng mga natural at balanseng nutrisyon para sa manok upang mapanatili ang kanilang magandang kulay at pangkalahatang kalusugan.

Key Takeaway

Sa pagsusuri at pagtutok sa mga senyales na may mababang nutrisyon ang mga manok, makakatulong tayong magkaroon sila nang masaganang buhay. Sama-sama nating itaguyod ang kalusugan at kaginhawaan ng ating mga alaga.

Para sa karagdagang impormasyon, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa First Fil-Bio, ang iyong katuwang sa pagsulong ng kalidad ng buhay ng iyong mga manok. I-check ang aming mga produkto at serbisyo.

Share on

MORE BLOGS

Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease

02/22/2024

Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…

Read More

Paraan nang Paglilinis para sa Pag-iwas sa Marek’s Disease

02/20/2024

Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…

Read More

Paano Pangasiwaan ang Egg Drop Syndrome sa mga Manok

02/16/2024

Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…

Read More