Mga Tips sa Pagpili ng Gamot sa Manok

10/02/2023

Mga Tips sa Pagpili ng Gamot sa Manok

Ano ang iba’t-ibang tips sa pagpili ng gamot sa manok?

  1. Piliin ang rehistradong gamot
  2. Gamitin ang tamang dosage
  3. Alamin ang karamdaman ng manok
  4. Sumangguni sa mga beterinaryo
  5. Huwag labis gumamit ng antibiotic

Overview

  • Sa wastong pangangalaga ng kalusugan ng mga manok, may mga mahahalagang hakbang na dapat tandaan, tulad ng pagpili ng rehistradong gamot na rekomendado ng mga beterinaryo upang mapanatili ang kalusugan ng iyong mga alaga.
  • Siguruhing tama ang dosage ng gamot, sundin ang payo ng mga eksperto sa kalusugan ng manok, at alamin ang eksaktong karamdaman ng manok para maiwasan ang sobrang paggamot.
  • At higit sa lahat, iwasan ang sobrang paggamit ng antibiotic na maaaring magdulot ng iba pang mga problema sa kanilang kalusugan.

Mahalaga ang wastong pagpili ng gamot upang panatilihin ang kalusugan ng mga manok. Ang tamang pagpili ng gamot ay isang hakbang na nagbibigay proteksyon at nagpapabuti sa kanilang kondisyon.

Ating tatalakayin ang mga mahahalagang tips sa pagpili ng gamot para sa mga alaga mong manok. Magpatuloy sa pagbabasa upang matutunan ang mga hakbang, maalagaan ang iyong mga manok, at mapanatili ang kanilang kalusugan.

Piliin ang Rehistradong Gamot

Ang kanilang gamot ay hindi lamang dapat epektibo kundi rehistrado rin sa Bureau of Animal Industry (BAI). Ito’y nagpapatunay na sumusunod ito sa mahigpit na pamantayan sa kalusugan ng hayop pati na rin sa kaligtasan ng mamimili.

Dapat mong iwasan ang pagbili ng mga murang gamot na hindi naman rehistrado sa BAI. Ito’y magdudulot lamang nang paglala ng karamdaman ng iyong manok imbes na ito’y gumaling. Maliban pa rito, bumili lamang sa mga tindahan na lisensyado at binibigyan ng permiso na magbenta ng mga gamot para sa mga hayop.

Ang aming mga gamot at serbisyo sa First Fil-Bio ay rehistrado sa BAI. Kung kaya’t kayo’y makakaasa na ang bawat pagkain o gamot naming produkto na inyong bibilhin ay pasok sa itinalagang pamantayan ng nasabing ahensya.

Gamitin ang Tamang Dosage

Gamitin ang tamang dosage

Hindi sapat na piliin lamang ang tamang gamot; kailangang sundin mo rin ang tamang dosage o dami nang paggamit nito. Ang mga alaga nating manok ay katulad din ng mga tao, may mga tamang pangangailangan sila sa gamot.

Ang tamang dosage ay makakatulong upang matanggap nila ang kailangan ng kanilang katawan at gumaling. Dapat itong binabase sa kanilang timbang, edad, at uri ng kanilang karamdaman. Kapag ang gamot ay hindi sapat ang dosage, hindi nito malalabanan ang mikrobyo o parasites sa kanilang katawan.

Alamin ang Karamdaman ang Manok

Sa pag-aalaga ng manok, hindi lahat ng sintomas ay nangangailangan ng gamot. Bago painumin ang iyong alaga, mahalagang maunawaan mo muna ang eksaktong karamdaman o problema na kanilang kinakaharap. Ang masusing pagsusuri sa mga sintomas at kalusugan nila ay makakatulong sa pagtukoy ng tamang gamot nila.

Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang sobrang paggamot o over-treatment, na maaaring magdulot ng iba pang mga isyu sa kanilang kalusugan. Higit pa rito, ang pag-alam sa kanilang sakit ay makakatulong upang makabili ka ng gamot na ligtas at komportable sa kanilang katawan upang sila’y gumaling at maging malusog.

Sumangguni sa Mga Beterinaryo

Sumangguni sa mga beterinaryo

Dapat kang sumangguni sa mga beterinaryo kapag pipili ng gamot para sa mga manok dahil sa kanilang expertise at karanasan sa pangangalaga ng hayop. Sila ay may kakayahan na eksaktong ma-diagnose ang karamdaman ng mga manok, alamin ang sanhi ng sakit nito, at maipayo ang tamang gamot na kinakailangan. Mayroon din silang kaalaman ukol sa mga uri ng gamot na angkop para sa mga manok.

Bukod dito, ang mga beterinaryo ay nagbibigay din ng payo sa tamang pangangalaga at preventive measures upang mapanatili ang kalusugan ng iyong mga manok. Sila ay mga licensed professionals na may pahintulot na magbigay ng mga resetang gamot, na nakakatulong upang mapanatag kang gagaling ang iyong manok at maibabalik ang resistensiya nito.

Huwag Labis Gumamit ng Antibiotic

Ang labis na paggamit ng antibiotic ay maaaring magdulot ng resistensya ng mga bacteria sa gamot. Ibig sabihin, sa paglipas ng panahon, ang mga bacteria ay maaaring maging hindi na sensitibo sa nasabing gamot, na nagpapababa ng epekto nito.

Ang sobra-sobrang paggamit nito ay magdudulot din ng side effect sa mga manok, tulad ng stress sa kanilang sistema at pagkahina ng resistensiya laban sa iba’t-ibang sakit.

Imbes gawin ito, sundin mo lahat ang mga instructions ng iyong beterinaryo. Gamitin mo lamang ang gamot kung kinakailangan. Bukod dito, ituring mo lamang ang antibiotic na huling hakbang sa pangangalaga ng kalusugan ng iyong manok. Subukan mo muna ang iba’t-ibang paraan, tulad ng tamang sanitation, nutrisyon, at preventative measures bago umabot sa paggamit ng antibiotic.

Gumamit ng Vitamins sa Manok

Hinihikayat namin kayong gumamit ng bitamina para sa inyong mga manok. Ang paggamit ng bitamina ay magbabawas sa posibilidad na magkasakit ang iyong mga manok at magpapatibay rin ito sa kanilang immune system. Ngunit siyempre, laging itanong sa inyong beterinaryo kung anong bitamina ang maaaring gamitin ng inyong mga manok.

Bukod sa regular na pagbibigay ng bitamina, mahalaga rin na sisiguraduhin ang tamang pagkain at patuloy na pag-aalaga sa kanila. Isama ninyo sa kanilang diyeta ang mga puno ng protina at iba pang mahahalagang sustansya gaya ng mga gulay at prutas, at siguraduhing nakakakuha sila ng sapat na ehersisyo. Isang malusog na kapaligiran, kasama na ang sariwang tubig at malinis na tirahan, ay kritikal din para sa kanilang kalusugan at kaligtasan. Huwag rin kalimutang ituring ang mga manok laban sa mga peste at sakit. Sa pangkalahatan, ang tamang pangangalaga at nutrisyon ang susi sa malusog na kawan ng manok.

Key Takeaway

Pagdating sa pag-aalaga lalo na kung sila’y may sakit, importanteng tandaan ang mga tips sa pagpili ng gamot para sa iyong manok at makinig sa payo ng mga eksperto upang bumalik ang kanilang resistensiya, maging malusog, at mapanatili ang pagiging produktibo nila.

Sa First Fil-Bio, kami ang inyong kasangga laban sa sakit ng mga manok. Ang aming mga produkto at serbisyo ay makakatulong sa inyo upang mas matulungan kayo sa pag-aalaga ng mga manok. Para sa inyong mga katanungan, huwag magdalawang isip na mag-iwan ng mensahe sa amin dito.

Share on

MORE BLOGS

Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease

02/22/2024

Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…

Read More

Paraan nang Paglilinis para sa Pag-iwas sa Marek’s Disease

02/20/2024

Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…

Read More

Paano Pangasiwaan ang Egg Drop Syndrome sa mga Manok

02/16/2024

Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…

Read More