Paano Pagalingin ang Manok na May Sakit

09/15/2023

Paano Pagalingin ang Manok na May Sakit

Paano pagalingin ang manok na may sakit?

  1. Pag-obserba nang maigi sa manok
  2. Pag-isolate
  3. Paggamit ng karampatang lunas
  4. Siguraduhing malinis ang kapaligiran
  5. Sumunod sa mga tagubilin ng mga eksperto

Overview

  • Ang pag-aalaga ng manok na may sakit ay mahalaga para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa iba pang manok sa iyong bakuran.
  • Kapag napansin ang anumang sintomas ng sakit sa mga manok, agad itong asikasuhin upang maiwasan ang paglala ng sakit at mapanatili ang kanilang kalusugan.
  • Ang agarang pagtugon sa mga sintomas ng sakit ng mga manok ay mahalaga para sa kanilang pangkalahatang kalusugan at para maiwasan ang pagkakalat ng sakit sa buong manukan.

Ang pag-aalaga sa mga manok ay isang natatanging trabaho sa Pilipinas lalo na pagdating sa usaping pang-agrikultura. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga nag-aalaga rito kaya naman kinakailangan nang matinding responsibilidad at disiplina. Subalit, may mga pagkakataon na mahirap alagaan ang mga manok lalo na kung sila ay dinapuan ng sakit.

Sa blog na ito, ating tatalakayin ang mga simpleng paraan upang gumaling ang mga manok na may sakit upang magkaroon kayo ng gabay. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Pag-Obserba nang Maigi sa Manok

Ang unang hakbang sa pagsugpo sa sakit ng mga manok ay ang pagtukoy sa kanilang nararamdaman sa pamamagitan nang masinsinang pag-oobserba.

Ito’y magbibigay-daan sa iyo na malaman nang maaga kung ano ang puno’t dulo ng kanilang sakit. Idagdag pa rito’y makakakuha ka rin ng mga gamot na angkop para sa sintomas ng kanilang sakit. Narito ang iba’t-ibang bagay na dapat mong obserbahan sa iyong alaga.

Kilos

Bantayan mo ang kanilang kilos. Kung sila’y biglang naging malamlam, hindi aktibo, walang ganang kumilos, o palaging natutulog, maaaring ito’y senyales na sila’y mayroong problema sa kalusugan. Ang pagbabago sa kanilang normal na gawi at enerhiya ay dapat mong obserbahan.

Pakpak

Mahalaga ring tingnan ang kalagayan ng kanilang mga pakpak. Kung may mga pasa, pamamaga, o mga bukol sa kanilang mga pakpak, ito ay nagpahiwatig na may anumang trauma o sakit silang nararanasan.

Iba pang Sintomas

Mahalaga ring maging mapanuri sa iba pang mga hindi karaniwang palatandaan ng sakit. Kabilang dito ang pag-ubo, pag-iiyak, paglabas ng dugo sa kanilang tae, pagbabago sa kulay ng kanilang balahibo o anumang hindi normal na pagsusuka. Ang mga ganitong sintomas ay maaring magpahiwatig ng partikular na uri ng sakit na maaaring kailangan nang agarang aksiyon.

Pag-Isolate

Pag-isolate

Kapag ang isa sa mga alaga mong manok ay may sintomas ng sakit, ihiwalay mo ito mula sa iba pang mga manok. Ito’y upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa buong populasyon ng iyong manok.

Ilagay mo ang manok na may sakit sa ibang kulungan. Ang pag-a-isolate o paghihiwalay ng manok na may masamang karamdaman mula sa ibang manok ay makakatulong upang mas maalagaan mo at gumaling nang mabilis ang manok. Siguraduhing may sapat na init at proteksiyon ang kulungan nito laban sa mga mandaragit.

Paggamit ng Karampatang Lunas

Kapag naobserbahan mo ang mga senyales ng kanilang sakit, ‘wag mag-atubiling kumonsulta sa isang beterinaryo o eksperto sa manok upang malaman ang tamang gamot, bakuna, at lunas dito, tulad ng:

  • Antibiotics para sa bacterial infection
  • Deworming treatment para sa mga bulate sa kanilang tiyan
  • Bitamina at mineral

Siguraduhing Malinis ang Kapaligiran

Siguraduhing malinis ang kapaligiran

Ang malinis na kapaligiran ay nagpapabuti sa kalusugan ng mga manok. Siguraduhing ang kanilang kulungan ay malinis, tuyo, at walang mga natirang dumi, basura, o tira-tira mula sa kanilang pagkain. Ugaliin ding linisin ang kanilang pinagkainan at tubig dahil ang mga ito’y lapitin sa mga insekto tulad ng lamok lalo na kapag hindi pinapalitan ang tubig.

Palitan mo rin ang bedding o kama nila. Makakatulong ito upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at mapanatiling malinis ang kanilang kulungan.

Sumunod sa Mga Tagubilin ng Mga Eksperto

Higit sa lahat, sundin ang mga payo ng mga eksperto sa pag-aalaga ng mga manok. Maaari kang regular na makipag-usap sa iyong beterinaryo upang ma-monitor ang iyong manok at malaman kung may sakit ito upang agad na maagapan.

Sa mga pag-aaral hinggil sa kalusugan ng manok, may iba’t-ibang dahilan kung bakit nagkakasakit ang mga manok bukod sa pagdapo ng sakit sa kanila. Narito ang iba pang rason:

Edad ng mga Manok

Nakita na ang mga matatandang manok ay mas lapitin sa mga sakit na nagdudulot ng kamatayan sa kanila.

Uri ng Paggamit ng Pagkain

Ang mga pagkain na hindi sapat ang sustansiya o walang kalidad ay maaaring magdulot nang kahinaan sa kanilang kalusugan.

Key Takeaway

Ating napag-usapan kung paano pagalingin ang mga manok na may sakit. Hindi biro ang pag-aalaga sa kanila lalo na kapag sila’y tinamaan ng sakit. Gayunpaman, may mga bagay na dapat isaalang-alang upang sila ay manatiling malusog at malayo sa sakit.

Kami sa First Fil-Bio ay inyong kakampi sa pagsigurado na nakukuha ng mga alaga ninyong manok ang sapat na bitamina, pagkain, at bakuna. Para sa mga inyong katanungan, ‘wag mag-atubili na mag-iwan ng mensahe sa amin dito. Magtulungan tayo sa pagpapa-unlad ng inyong hanapbuhay lalo na sa mga usaping ukol sa mga manok.

Share on

MORE BLOGS

Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease

02/22/2024

Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…

Read More

Paraan nang Paglilinis para sa Pag-iwas sa Marek’s Disease

02/20/2024

Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…

Read More

Paano Pangasiwaan ang Egg Drop Syndrome sa mga Manok

02/16/2024

Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…

Read More