Mga Paraan upang Gumaling ang Eye Infection ng Manok

09/27/2023

Mga Paraan upang Gumaling ang Eye Infection ng Manok

Ano-ano ang mga paraan upang gumaling ang eye infection ng manok?

  1. Ihiwalay ang manok na may eye inefection
  2. Kumonsulta sa beterinaryo
  3. Linisin ang mata gamit ang tamang gamot
  4. Panatilihing malinis ang katawan
  5. Siguraduhing nakakakuha ng sapat na pagkain at tubig

Overview

  • Upang malunasan at maiwasan ang eye infection sa mga manok, mahalagang ihiwalay ang may sakit at kumonsulta sa beterinaryo para sa tamang gamot.
  • Linisin din ang kanilang mga mata nang maayos, panatilihing malinis ang katawan, at siguruhing may sapat na pagkain at tubig.
  • Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, maaari nating mapanatili ang kalusugan ng mga manok at maiwasan ang pagkalat ng eye infection.

Sa industriya ng manukan, isa sa mga pangunahing alalahanin ay ang kalusugan ng mga manok. Ang isang karaniwang sakit na maaari nilang harapin ay ang eye infection. Maaari itong makaapekto sa kanilang paningin at kalusugan.

Sa blog na ito, ating tatalakayin ang mga paraan upang gumaling ang eye infection ng isang manok. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Ano ang Eye Infection sa Manok?

Ang eye infection sa ating mga alagang manok ay mula sa sugat o kalat sa kanilang paligid na nagdudulot ng mga pathogens. Ang virus na ito’y kumakalat dahil sa maruming kapaligiran, paglapit ng iyong alaga sa iba pang manok na may impeksyon, o hindi tamang pag-aalaga sa kanilang mata.

Mga Uri ng Impeksyon

Ang impeksyon ay nakakaapekto sa isa o dalawang mata ng mga manok. Narito ang tatlong uri ng eye infection:

  1. Localized Conjunctivitis: Ito ang nagiging epekto kapag ang pamamaga o impeksyon ay limitado lamang sa isang bahagi ng kanilang mata. Ito’y hindi kumakalat sa kabila.
  2. Secondary Conjunctivitis: Ito naman ay nangyayari kapag ang conjunctiva (malambot at makapal na bahagi sa paligid ng mata ng manok) ay nagkakaroon nang pamamaga at impeksyon.
  3. Systemic Conjunctivitis: Ito ay nagmumula sa pangkalahatang sakit sa katawan ng manok. Ito’y kadalasang sanhi ng virus o bacteria na pumapasok sa kanilang katawan, na nagdudulot nang pamamaga sa conjunctiva.

Tandaan na ang mga mata ng manok ay hindi dapat namamaga at walang plema. Ang normal na kulay nito ay nag-iiba depende sa kanilang lahi at edad, pero ang mga mata nila ay dapat palaging malinaw, may itim na mga pupils, at angkop ang hugis.

Basahin sa ibaba ang mga dapat mong gawin upang masigurong hindi makakahawa ang iyong manok na may eye infection sa iba pa.

Ihiwalay ang Manok na May Eye Infection

Ang paghihiwalay sa mga manok na may eye infection mula sa ibang manok ay mahalaga upang maiwasan ang pagkalat nito, sapagkat maaari itong magdulot ng iba’t-ibang bacterial infection sa buong paligid.

Ang hakbang na ito ay makakatulong sa mas mabilis at epektibong paggamot sa kanila. Kapag ang mga may sakit ay naihiwalay, mas madali mong mamo-monitor ang kanilang kalagayan at maisasagawa ang tamang pag-aalaga at treatment sa kanila.

Kumonsulta sa Beterinaryo

Kumonsulta sa beterinaryo

Kapag napansin mong may sakit ang iyong manok tulad ng eye infection, huwag kang mag-atubiling kumonsulta sa isang beterinaryo. Sila ay mayroong mga kaalaman at kakayahan upang ma-diagnose nang tama ang kalagayan ng iyong manok at magreseta ng angkop na gamot.

Ang mga ganitong uri ng sakit ay nagmula sa iba’t-ibang bacteria at virus, kaya naman dapat lang na may gabay ka mula sa isang eksperto upang hindi lalong lumala ang impeksyon ng iyong manok.

Linisin ang Mata Gamit ang Tamang Gamot

Pagkatapos ipakonsulta sa beterinaryo ang iyong alagang manok, tiyak na bibigyan ka ng mga gamot laban sa eye infection. Ugaliing linisin muna ang mata ng iyong manok bago ito ilagay.

Siguraduhing susundin mo ang mga instructions sa paggamit nito, tulad ng tamang dosage at paraan nang pag-a-apply nito sa apektadong mata ng iyong manok. Importanteng malinis ang iyong mga kamay at anumang applicator na iyong gagamitin.

Panatilihing Malinis ang Katawan

Panatilihing malinis ang katawan

Ang mga mikrobyo na sanhi ng eye infection ay maaaring kumalat sa iba pang bahagi ng katawan ng manok, lalo na sa mga lugar na madalas nilang nililinis, tulad ng mga paa at pakpak. Sila ay likas na marunong sa paglilinis at pag-aalaga ng kanilang sarili. Ngunit, kung ang katawan nila ay hindi malinis, mas kakalat ang kanilang impeksyon sa ibang bahagi ng kanilang katawan.

Sila ay magiging komportable at mas mabilis na gagaling kung malinis ang kanilang katawan. Ito rin ay makakatulong sa ‘yo upang mas masuri sila at madaling mapansin ang anumang pagbabago sa kanilang karamdaman.

Siguraduhing Nakakakuha ng Sapat na Pagkain at Tubig

Higit sa lahat, importante ang tamang nutrisyon. Siguruhing ang iyong manok ay nakakakuha ng sapat na pagkain at tubig. Sila ay maaaring uminom ng 0.5-1 litro ng tubig kada araw depende sa lagay ng panahon. Tiyaking malinis ang tubig na kanilang iniinom lalo na ang lalagyanan nito upang sila’y maging ligtas mula sa mga mikrobyo.

Ang malusog na manok na apektado ng eye infection ay kayang-kayang labanan ang sakit na ito. Maaari ka ring magtanong sa iyong beterinaryo ukol sa tamang uri ng pagkain para sa iyong manok na may sakit. Ang First Fil-Bio ay may mga pagkaing produkto para sa mga manok na makakatulong upang unti-unting gumaling ang iyong alaga.

Key Takeaway

Ating napag-usapan ang mga epektibong paraan upang gumaling ang eye infection ng manok. Labis na nakakabahala kapag ang ating mga alagang manok ay may sakit lalo na kung ang tinamaan ay ang kanilang mga mata, na isa sa mga pinakaimportanteng parte ng kanilang katawan.

Kahit na ang iba sa atin ay marunong nang mag-alaga sa mga manok, hindi pa rin maiiwasan ang pagdapo ng karamdaman na nangangailangan ng seryosong gamutan at gabay ng eksperto. Kami sa First Fil-Bio, palagi kaming handa at alerto upang kayo ay matulungan sa mga ganitong sitwasyon.

Para sa mga tips at mga importanteng katanungan ukol sa pag-aalaga ng manok, maaari kayong mag-iwan ng mensahe sa amin dito.

Share on

MORE BLOGS

Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease

02/22/2024

Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…

Read More

Paraan nang Paglilinis para sa Pag-iwas sa Marek’s Disease

02/20/2024

Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…

Read More

Paano Pangasiwaan ang Egg Drop Syndrome sa mga Manok

02/16/2024

Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…

Read More