Mga Sanhi at Epekto ng Panahon sa Marek’s Disease
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More01/08/2024
Overview
- Ang Fowl Cholera ay isang nakakahawang sakit sa ibon na sanhi ng bacterium na Pasteurella multocida.
- Ang mga hakbang sa tamang pagtukoy ng Fowl Cholera ay kinabibilangan ng pagsusuri sa kasaysayan ng manok, obserbasyon ng klinikal na senyales, pagsusuri sa patay na katawan, at pagkuha ng sample para sa pagsusuri sa laboratoryo.
Ang Fowl Cholera ay isang nakakahawang sakit sa mga manok, pabo, kalapati, waterfowl, at iba pang ibon na sanhi ng bacterium na tinatawag na Pasteurella multocida. Ang pangunahing paraan ng pagkalat nito ay sa pamamagitan ng oral o nasal route gamit ang excretions mula sa bibig, ilong, at conjunctiva ng mga ibon.
Ang manok ay maaaring mahawa sa contaminated na kapaligiran kasama na ang tubig at pagkain, na nagpapabilis nang pagkalat ng sakit. Ang dumi ng ibon, lalo na ng mga daga at suso, ay maaaring magdala at magkalat din ng sakit. Ang mga hakbang sa pagtukoy ng Fowl Cholera sa mga manok ay naglalayong magbigay kaalaman sa tamang paraan ng pagsuri at pagkilala sa sakit na ito, upang masugpo agad at mapanatili ang kalusugan ng ating mga manok.
Ang pagkakaroon ng maayos at detalyadong pagsusuri sa kasaysayan ng flock o sambahayan ng manok ay mahalaga para sila’y protektahan laban sa Fowl Cholera. Ang nakaraang karanasan ng flock ay maaaring magbigay ng mahahalagang indikasyon kung paano at kailan unang pumasok ang sakit sa kanilang hanay.
Maaring itong magbigay ng impormasyon tungkol sa mga potensyal na pinagmulan ng sakit, tulad ng pagkakaroon ng contact sa ibang manok, ibon, o maging sa kagubatan kung saan maaaring may natural na reservoir ng bacterium na nagdudulot ng Fowl Cholera. Bukod dito, ang mga senyales at lesions ay nagbibigay ng kaalaman patungkol sa aktuwal na kondisyon ng manok.
Ang Fowl Cholera ay may dalawang uri: ang acute at ang chronic. Sa mga acute cases nito, ang berde o luntiang diarrhea ay isa sa mga unang senyales. Ang pagkakaroon ng maitim na kulay sa dumi ng manok ay nagpapakita nang malubhang karamdaman at mabilisang pag-unlad ng sakit. Bukod dito, maari ding mapansin ang pamamaga ng mga wattles, ang bahagi ng leeg ng manok na mayroong mga baluktot na anyo.
Ang mga manok na apektado ng Fowl Cholera ay nagpapakita rin ng depression o malungkot na kondisyon. Mapapansin ang kanilang matamlay na anyo, kawalan nang gana sa pagkain, at pagtaas ng respiratory rate kahit sa normal na gawain lamang. Ang mucoid discharge mula sa bibig ng manok ay nagpapahiwatig ng impeksiyon sa kanilang respiratory tract, na isa sa mga apektadong bahagi ng katawan.
Sa mga manok na namatay, ang pagsusuri sa kanilang katawan ay nagiging kritikal sa tamang pagtukoy at paggamot ng mga sakit tulad ng Fowl Cholera. Ang post-mortem examination o pagsusuri sa kanilang pagkamatay ay isang mahalagang hakbang sa diagnostic process ay nagbibigay-daan sa pagtukoy ng anumang gross lesions o mga makikita sa labas na senyales ng sakit.
Isa sa mga pangkaraniwang post-mortem lesions sa Fowl Cholera ay ang petechiae, na mga maliit na bilog sa balat dahil sa dugo. Ang mga ito ay madalas na matagpuan sa epicardial fatty tissue, isang bahagi ng puso, na nagbibigay nang malinaw na senyales ng pagkakaroon ng sakit.
Ang proseso nang pagkuha ng sample mula sa mga manok na apektado ng Fowl Cholera ay mahalaga para sa tamang pagtukoy at paggamot ng sakit na ito. Ang mga ekspertong beterinaryo, katulad ng mga nasa First Fil-Bio, ang pangunahing responsableng tagapagpatupad ng hakbang na ito, dahil sa kanilang kasanayan at kaalaman sa tamang pamamaraan nang pagkuha at pagsusuri ng mga samples.
Sa pamamagitan ng mga pagsusuri sa laboratoryo tulad ng bacterial culture at PCR, nagiging mas mabisa ang proseso ng diagnosing, nagbibigay-daan para sa mas pinatibay na pagtukoy sa uri ng Pasteurella multocida na nagdudulot ng sakit.
Ang pagkuha ng tamang sample ay may malalim na kahalagahan sa pagbuo ng plano sa paggamot. Ito ay nagbibigay nang masusing impormasyon sa mga espesyal na katangian ng bacteria, tulad ng resistensya sa gamot, na nagbubukas ng pinto para sa personalisadong at epektibong paggamot.
Sa pangakalahatan, mahalaga ang tamang hakbang sa pagtukoy ng Fowl Cholera sa mga manok para mapanatili ang kalusugan ng ating manukan. Ang mabilisang diagnosis at tamang paggamot ay ilan lamang sa mga mahahalagang bahagi sa pag-aalaga ng manok.
Kaya’t huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa First Fil-Bio para sa masusing konsultasyon at mga dekalidad na produkto at serbisyong pang-agrikultura. Sa First Fil-Bio, layunin namin ang tagumpay at kalusugan ng inyong manukan.
02/22/2024
Overview Ang Marek’s Disease ay isang malaking hamon para sa mga nagtataguyod ng industriya ng manok. Ang pag-unawa sa mga…
Read More02/20/2024
Ano ang mga hakbang sa paglilinis na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng Marek’s Disease? Paggawa ng biosecurity practices…
Read More02/16/2024
Overview Ang Egg Drop Syndrome ay isang sakit ng manok na maaaring makaapekto sa produksyon ng itlog, sanhi ng viral…
Read More